Chapter 6 ( Boyfriend nya ko, may angal? )

7.3K 142 2
                                    

Kasalukuyan ngayong nasa Mall si Karylle at Vice kasama ang Team Vice.

Una silang napadaan sa Men's section.

Nakakita naman ng sila ng stall para sa mga underwear. Agad namang lumapit si buern dun sa poster ng model na naka underwear lang.

" Ahhhhhhh! Meme, look oh. " -buern

Isa isa namang lumapit ang Team Vice kaya umeksena agad si Vice.

" Echosera! Tabi nga dyan. Iuuwi ko to! " -Vice

Halo halong reaksyon naman ang ipinakita ng TeamVice , habang si Karylle ay tatawa tawa lang.

" Meme, di ba ganto size mo? " -rainier

Sabay angat ni rainier ng isang underwear na medyo may kalakihan.

" HAHA! Masikip pa yan, yung isa yung mas malaki. " - buern

Kinuha naman ni buern yung tinutukoy nya.

" Wag na yan eto nalang. " - archie

Kumuha rin si archie ng underwear.

" Galeng, mahusay. Kay husay nyo ano? " sarcastic na sabi ni Vice.

" pfft HAHAHAHAHAH! " si karylle naman ay mamamatay na sa kakatawa

" Eh kung isubo ko sa inyo yan? Panty gamit ko! Tara na. " - Vice

" Hala, walang support. " - sabi ni archie na umaktong napatakip ng bibig

" May kanta ako dyan, Ibon mang may layang lumipaaaadddd! " -rainier

" HAHAH! Bet ko yan. " - karylle

" May sayaw yan. " - buern

Nagtinginan naman si karylle , archie at rain. Si Vice naman, naasar na.

" Ano? " sabay sabay nilang tanong pwera kay vice.

" Darla, let's dance zumba! " sabi ni buern habang sinasayaw ang zumba version ni Kris Aquino.

" Walang support? Ibon mang may layang lumipad? Zumba? Eh kung ibakat ko tong kamay ko sa pagmumukha nyo? " - Vice

Naglakad na si Vice at naiwan naman sila na pinipigilan ang kanilang tawa.

Nasa women's section na sila nang humiwalay ang Team Vice.

" Ttingin muna kami dun ha? " - archie

Tumango nalang si Vice habang si K naman ay nagtitingin ng dress.

" Vice , tignan mo to. Ang cute. " - Karylle

" Oo nga K, pero mas maganda tong isa. " - Vice

" Mas maganda to. " - K

" Ito nga. " - Vice

" Eto. " - K

" Eto. " - Vice

" Bahala ka nga, ang kulit mo. " - k

" Ok , ttngin lang ako dun. Hndi to kasya sakin kaloka haha. " -Vice

" Haha sige. " - K

Tumingin tingin lang si K ng dress.Paikot ikot lang. Pero wala pa rn syang nakukuha.

Napukaw ng atensyon nya ang isang malaking teddy bear na naka display sa di kalayuan. Kaya agad naman nyang nilapitan.

Kukunin na sana nya nang may isa pang kamay ang humawak sa teddy bear .

Tinignan nya kung sino at nagulat naman sya sa tumambad sa kanya.

Matangkad, maputi at Chinito.Halos lahat yata ng features ng taong to kabisado na nya.

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now