Chapter 16 ( SINASAGOT NA KITA )

5.4K 111 4
                                    

" Goodmorning po. " bati ni Vice kay Ms.zsazsa na kabababa lang ng hagdan.

Nasa bahay kasi ni Karylle si Vice para sunduin ito.

" Goodmorning din, eh si karylle ba inaantay mo? Nauna na sya kanina pa, nagmamadali nga eh. " - Ms.zsazsa

" Ah, ganun po ba? Sige po. Mauna na po ako. " - Vice

" Oh sge ingat ka. " - Ms.zsazsa

Lumabas na nga sya at sumakay na sa kotse nya at dumiretso na sa Viceral Company.

" Pasaway ka talaga karylle. " - Vice

---------

Tinext at tinawagan ni Vice si Karylle ngunit wala itong sagot.

Nasa lobby na ngayon sya ng kanilang kumpanya at sumakay na ng elevator.

Pagbukas ng elevator sa floor kung saan naroon ang opisina ni Vice.

Isang laruang helicopter naman ang bumungad sa kanya na may papel na dala dala at nakasulat 'GoodMorning Pogi! :)' .

Napangiti naman sya habang iniisip kung sino ang may pakana nito.

Nagpatuloy na sya sa kanyang opisina.

Pagbukas palang nya ng pinto ay tumugtog na ang kantang " Ikaw pala "

Nakita nya ang TeamVice sa gilid, kasama ang lolo gonzalo nya at ang kanyang nanay na si nanay rosario at syempre eksena si bernard cloma, kumaway ang mga ito sa kanya.

Kapansin pansin naman sa opisina nya ang mga makukulay na papel na nakadikit sa pader na may nakasulat na ' Yes ' .

At isang heart shape naman ang nakadikit sa bintana na may nakasulat ding 'Yes' .

" Di ko naisip na darating pa, ang isang tulad mo saking pag iisa. " nagsimula nang kumanta si KARYLLE.

Ang may kagagawan nito.

" Karylle? " Takang takang tanong ni Vice

" At ngayon buhay ko ay nagbago, ito'y dahil sayo. " ngiti ni karylle.

" At nasabi kong di na iibig pa ngunit magawa nung nakita ka na. At muli nadama ang pag ibig, saking puso'y ikaw lang. "

Lumapit si Karylle kay Vice at hinawakan ang kamay nito, umikot sya na para silang nagsasayaw.

" Hahaha. " tawa ni vice.

" Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko. Ang hinihintay ng puso ko. " tumitig si Karylle sa mga mata ni Vice.

" Tunay ngang kung sya ang kapalaran mo, darating sa buhay mo. Ikaw pala ang langit ng pagibig ko. " patuloy sa pagkanta si Karylle

Si Vice naman ay maluha luha na.

Masaya ang nararamdaman ni Vice, parang gustong lumundag ng puso nya sa tuwa. At mabilis ang tibok nito.

" Binuhay mo ang puso ko, sana kailanma'y hindi magbabago. " pagtatapos ni Karylle sa kanta.

Saglit silang nagkatitigan bago magsalita si Karylle.

" Nakikita mo ba yung mga nakasulat sa pader? " tanong ni Karylle kay Vice

" Oo. " nakangiting sagot ni Vice.

" Vice, ayaw na kitang manligaw. Itigil mo na, kasi .. " - K

" Kasi? " - Vice

" Kasi, sinasagot na kita. " - K

Ilang segundo bago ito magprocess sa utak ni Vice.

" Wait, Ulitin mo nga sinabe mo?! " - Vice

" Ayoko na ulitin. Kung tatanungin mo ko, sasabihin ko " - Karylle

" Karylle, will you be my girlfriend? " - Vice

" Yes. " ngiting sagot ni Karylle.

Niyakap naman ni Vice si Karylle ng mahigpit at hndi napigilang umiyak.

Sa ikalawang pagkakataon, ngayon nya lang uli naramdaman yung ganung saya. Pero kakaiba ang saya na naramdaman nya ngayon.

Kumawala si Vice sa yakap at nagpunas ng luha.

" Hahaha, bakit ka umiiyak? Bakla ka? " pabirong tanong ni Karylle

" Oo bakla ako! Pero dahil sayo, nagbago ako. " - Vice

" Wala kang kailangang baguhin, kasi tanggap kita " - Karylle

" Salamat karylle, pangako hindi kita bibiguin. Hindi kita paiiyakin. Mamahalin kita ng sobra. " - Vice

" Kissssssssss! " sigaw ng Team Vice

Nagtitigan naman si Vice at Karylle at ngumiti sa isa't isa.

Unti unting naglapit ang kanilang mga mukha at sunod ang kanilang mga labi.

Sa paglalapat ng kanilang mga labi ramdam nilang pareho yung saya at pagmamahal.

Sa paghihiwalay ng kanilang labi nagpalitan sila ng matatamis na ngiti at matatamis na salita.

" I love you Karylle. "

" I love you too Vice. "

" Ayieeeeeeeeeeeee! " sigaw ng lahat.

Ipapakilala sana ni Vice si Karylle sa kanyang nanay ngunit magkakilala na pala ang dalawa.

" Uy meme! Paparty ka nemen jen. " - buern

" Ayieee meme! Infairness sobra sa kiligggg. " - archie

" Oo nga meme! Success ang Oplan Ligaw natin! " - rain

Bati ng Team Vice kay Vice.

" Congrats apo, binata ka na hahaha. " - Lolo gonzalo

" Salamat lo. " - Vice

Patuloy lang ang takbo ng araw na iyon.

At patuloy rn ang magiging takbo ng relasyon ni Vice at Karylle.

Happy Ending na nga ba ito? :)

--------

Habang tinatype ko to, sobra yung kilig ko HAHAH! XD

Ipagpapatuloy ang Kahopia-an :)

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now