Ang araw na ito ay espesyal para kay Vice at Karylle.
Dahil ngayong araw ay annibersaryo nila :)
* KRIIING *
Nagising si Karylle sa ingay ng kanyang cellphone, agad nya itong kinuha at tinignan kung sinong tumatawag.
At ang tumatawag ay si Vice. Kaya napangiti sya.
" Goodmorning! Wake up call kurba! " - Vice
" Hahaha, ano nnmang pakulo to Viceral? Ang aga aga. " sagot ni Karylle habang pababa sa kusina para kumain.
Nadatnan nya roon sina Ms.zsazsa, Coco at Zia na nag aalmusal.
" Hmm. Guess what? " - Vice
" Oh ano? " sabi ni karylle.
" Ano meron ngayong araw? " - Vice
Nagets naman ito ni Karylle pero sadyang nasa mood sya para asarin si Vice.
" Ahmmm. Office day? " - Karylle
" Hindi! Kurba naman eh. " - Vice
" Haha Eh ano nga? May pa guess what guess what ka pa dyan eh. " - Karylle
" Ano ba yan kurba! Isipin mo dali ano meron ngayong araw. " - Vice
" Ah! Alam ko na! " - Karylle
" Dali ano! " ngiting ngiting sagot ni Vice
" Magpapapasta si bernard, di ba? Muntik ko na malimutan. " - Karylle
Nawala naman ang ngiti ni Vice.
" Ano kinalaman nun? " - Vice
" Sabi kasi ni marian, nagpapasama daw si bernard sa kanya hahaha nakakatawa nga eh. " - Karylle
" Ewan ko sayo Ana Karylle Tatlonghari. Mahalagang araw ngayon. Kinalimutan mo. Bye. " - Vice
" HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Teka lang! " tawang tawang sabi ni karylle
" Ano? " - Vice
" Joke lang pogi. Makakalimutan ko bang anniversary natin ngayon. Asus. " - Karylle
" Happy Anniversary ate, kuya! " sigaw ni coco
" Salamat coco! " sagot ni Vice.
" Oh sige babye na, kakain pa ko Viceral. " - Karylle