Chapter 23 ( Minion )

5K 103 12
                                    

" Sunduin kita mamaya ha. Love you. " - Vice

" Love you too. Sige, una na ko. " ngiting sagot ni karylle.

Pinaandar na ng driver ni Vice ang sasakyan. At si karylle naman ay naiwan.

Pumasok na sya sa loob ng kumpanya nila.

Isang maliit na akala mo gwapo hindi naman na lalaki ang kumindat kay karylle. Nagngangalan itong yael.

Hanggang sa pagpasok ni Karylle sa elevator ay nag papapogi ito. Sumandal ito sa pader at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Inirapan ito ni karylle hanggang sa sumara ang elevator.

" Kala mo gwapo. " -Karylle

Nang makarating sya sa kanyang opisina ay nadatnan nyang nag aayos si Marian.

" Mukhang nauna ka pa pumasok sa janitor ha? Haha. " - Karylle

" Haha. Excited lang ako. " - Marian

" Nakoo. Namiss mo lang ako eh. " - Karylle

Ngumiti si marian at lumapit kay karylle saka ito niyakap.

" Hndi lang miss, miss na miss. " - Marian

Yumakap na rn si karylle rito. Maya mya rin ay kumawala sila sa pagkakayakap.

Nakita naman ni karylle na maluha luha si marian.

" Hanggang ngayon iyakin ka pa rin. Haha " - Karylle

" Hndi naman. " - Marian

" Bess? " sambit ni karylle sabay alok ng pinky promise kay marian.

" Bess. " - tugon ni marian.

" Pahug nga ulit? " - Karylle

" Ehhh sige. " - Marian

Alam ni karylle sa sarili nyang napatawad na nya talaga si dingdong at marian. Alam nyang matagal na syang naka move on. At higit sa lahat alam nyang masayang masaya na sya sa piling ni Vice.

" Tama na nga. Ang haba na ng eksena mo dito, kami ni Vice yung bida. " pabulong ni karylle. (XD)

" Ha? " - Marian

" Wala wala. Sabi ko, masaya ako ksi ayos na tayo. " - Karylle

Ngumiti nalang si marian.

" May meeting ka pala ng 1pm. " ngiting sabi ni Marian

Samantala..

Ang ganap sa opisina ni Vice.

Habang busy si Vice sa kanyang laptop ay todo chika naman sila buern sa kanya.

" Infairness meme ha, ang tagal nyo na ni Karel. " - rain

" Oo, aabutan namin yung be careful with my heart. " - Vice

" Oo nga meme, wala pa bang proposal dyan? " - buern

" Proposal agad? " - bernard

" Hndi, kasal muna bago proposal. Para maiba." - Vice

" So ano nga meme? " - archie

" Darating dn tayo dyan. Atat nyo masyado. " - Vice

" Hm, ikaw din. Baka mamaya maagaw pa si karylle. " - archie

" Hndi naman bawat minuto nababantayan mo sya. " - aaron

" Eh kung ipalapa ko kayo sa bulldog? Ang nenega nyo masyado! " - Vice

" Asus, magsisisi ka pag ikaw naagawan nakoo. " - bernard

" Eh kung ikaw agawan ko ng buhay? " - Vice

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now