Chapter 27 ( ViceKaye, YaRylle? )

4.1K 105 7
                                    

Ilang linggo ang lumipas.

Minabuti nalang ni Vice na wag na muling makipagkita kay Kaye. Dinededma nya lang ang bawat text at tawag nito. Dahil ayaw nyang magalit si karylle.

Pero aminado sya sa sarili nyang minsan.. Naiisip nya si Kaye.

* Sa opisina ni Vice *

" Yung mga papers na pinapakuha ko kailangan ko na. Tapos, yung meeting ko mamaya ire-sched mo. May mahalaga kasi akong gagawin. " bilin ni Vice sa sekretarya ng kanyang lolo habang pumipirma.

" Sige po sir. Salamat po. " sagot ng sekretarya ng lolo nya.

Palabas na sya ng kanyang opisina para puntahan si Karylle. Niyaya nya kasi itong mag dinner.

Pero natigilan sya ng makita si Kaye na naka abang sa labas.

" Vice. " - Kaye

Tumalikod naman si Vice para iwasan si Kaye.

" Vice please. Mag usap tayo. " - Kaye

" Kaye, matagal na tayong tapos. Wala na tayong dapat pag usapan. " - Vice

" Pero. " - Kaye

" Wala ng pero pero. Look, may girlfriend na ko. And you, start a new life. Dapat matagal mo ng nagawa yan. " sabi ni Vice tapos ay lumakad na paalis.

Hinabol sya ni Kaye at niyakap patalikod.

" Please. I need you. " sabi ni kaye at nagsimulang umiyak.

Napabuntong hininga naman si Vice. Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay ni Kaye at muling humarap sa kanya.

" Kaye, please? Leave me alone. " - Vice

" Vice, nagsisisi na ko sa nagawa ko. " yakap ni Kaye kay Vice.

Muli ay tinanggal ni Vice ang mga kamay ni Kaye.

" Its been years kaye. Kung nagsisisi ka, dapat noon pa! Bakit ngayon lang? " sagot ni Vice at muling naglakad.

" Bakit ngayon lang? So it means, mahal mo pa rn ako. " - Kaye

Napatigil muli si Vice sa paglalakad at hinarap si Kaye.

" You know what-- " napatigil sya ng makitang dumudugo ang ilong ni Kaye.

" Kaye, dumudugo yung ilong mo. " - Vice

Humawak si Kaye sa ilong nya at nakita nga nyang dumudugo ito. Napatingin sya kay Vice at maya maya ay nahilo at nwalan ng malay. Buti nalang ay nasalo sya ni Vice.

" Kaye! Gising! Kaye! " - Vice

Dali dali nyang dinala sa ospital si Kaye.

-------------

Samantala ..

Kalahating oras ..

Isang oras ..

Isa't kalahating oras ..

Dalawang oras ..

Dalawang oras ng nag hihintay si Karylle sa restaurant na kung saan dapat sila ay mag didinner ni Vice.Nakailang missed call na sya pero wala itong sagot. Nakailang basong tubig na rn sya.

" Good evening maam. " bati ng waiter at naglapag ng dish sa table nya.

" T -teka, di pa naman ako nag oorder ah? " - Karylle

" Kayo po hindi, sya oo. " saby turo ng waiter sa kabilang table.

Sa kabilang table kung saan naroroon si ..

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora