Fan Girl Karylle ☺

4.5K 108 23
                                    

Nagising si Karylle sa panaginip nyang hahalikan sya ni dagul. Kaya't agad syang napaupo sa kama nya.

" Nakakatakot yung panaginip ko. " sabi ni karylle sa sarili habang humihikab hikab pa.

Agad naman syang napatingin sa orasan..

" 4pm, teka ano bang oras yung mall show ni Vice ngayon? "

Nanlaki naman ang mga mata nya nang maalalang 1pm ang start ng mall show ni Vice. Dali dali syang tumayo inayos ang sarili, kinuha ang mga gamit nya at nagmamadaling lumabas ng bahay at dumiretso sa mall.

Sa kasawiang palad. Hindi nya ito naabutan.

Ang tanging naabutan nya na lang ay ang iba nyang kapwa fans na abot langit ang ngiti sa mga poster,magazines, album at kung ano pa na hawak nila na may pirma ni Vice.

Kaya si Karylle ay malungkot na umalis sa mall na iyon.

" Hinding hindi na ko matutulog ng hapon. " - Karylle

Samantala si Vice naman ay napagpasyahang umuwi na sa condo nya.

Habang nagdadrive ay nilakasan nya ang tugtog sa kotse nya at sinabayan ang kanta. Papikit pikit pa sya habang kumakanta kaya't hndi nya napansin kaagad ang babaeng patawid ng kalsada. Mabuti ay nailiko at naipreno nya kaagad ang kotse.

Agad syang bumaba sa kotse at nilapitan ang babaeng napaupo sa sahig.

" Aaaaaaaah! " pabaklang sigaw ni Vice

Agad namang natauhan si Vice na lalaki nga dapat pala sya. Tinulungan nyang tumayo ang babae.

" Miss, okay ka lang? Pasensya na ha, di kita napansin. " - Vice

Hindi pa nya makita ang mukha ng dalaga dahil bukod sa kulot at magulo nitong buhok ay nagpapagpag pa ito ng mga dumi sa katawan.

" Oo okay lang, pero mas okay kung nakita ko si Vice ngayon. " sabi ni karylle tapos ay napatingin sa lalaking umalalay sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata nya sa nakita at ilang beses na kinurap ang mata dahil hndi sya makapaniwala sa nakikita nya sa kanyang harapan.

" Ow-Em-Gee " sambit ni Karylle.

Nangit na lang si Vice. Habang pinipisil pisil ni Karylle ang pisngin nya.

" Ahhh, okay ka naman na noh miss? Una na ako, may lakad pa ko. " sabi ni Vice habang tinatanggal ang kamay ni K sa mukha nya at sumakay na sa kotse habang si karylle ay naiwang nakatulala.

Napahinto muli si Vice sa pagmamaneho nang habulin ni K ang kotse.

" What? " binaba ni Vice ang bintana ng kotse.

" Pa-autograph? " ngiti ni Karylle.

------------

" AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH! " tili ni Karylle habang yakap yakap ang poster ni Vice na may pirma nito.

" Umiral nanaman ang pagiging fangirl ni ate. Parang bata. " sabi ni Zia.

" Eh bakit ba, ang pogi pogi ni Vice eh. " - Karylle

" Sus ate. hahaha! " - Coco

" Hindi ko nga sya nakita sa mall show, naka one on one ko naman sya. " kilig na kilig na kwento ni Karylle.

" Oh ana karylle, tigil muna sa kakatili. Kumain na muna tayo. " - Mommy Z

" Tapos mommy, nahawakan ko pisngin nya. Tapos nakausap ko pa sya " - K

" Upo na. Kain na tayo. Mamaya na yan. " - Mommy Z

Sumunod naman si Karylle at kumain na.

---------

Sa wakasss! Nakapag update din po ako haha.

Pasensya sa mga matagal na naghintay. ☺☺

I love you all guys.

Inlove si Bakla / ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now