KABANATA 28

27.9K 697 40
                                    

Bernadette's P.O.V.

Nakabalik kami sa sasakyan. Napundi na ang flashlight ni Luke kaya ang maliit na bolang apoy na lamang ang nagsilbing liwanag namin sa daan. Gising na ang tatlo nang makarating kami. Pare-parehong nagtanong ang mga ito kung saan kami nanggaling.

"Ito siguro ang hangganan ng ikalawang lagusan." Wika ni Mitch, matapos ikuwento ni Luke sa kanila ang aming mga nasaksihan.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Luke kay Mitch.

Noon na ito nag-umpisang maglahad ng tungkol sa tatlong lagusan—na ayon sa kanya'y nasa ilalim daw diumano ng kastilyong pinagdalahan sa kanya ni Lucio. Ang una raw ay ang lagusan patungo sa dagat-dagatang apoy, ang ikalawa nama'y sa balong walang hanggan, at ang ikatlo'y lagusan papunta sa banal na bundok.

Ayon kay Mitch, maging si Lucio raw ay ilag na lumapit man lamang sa ikalawang lagusang papunta sa kung saan kami naroroon ngayon. Dahil ang lahat daw ng hinihigop ng puwersang naririto'y hindi na nakakawala pa nang walang tulong ng DIYOS. Kulungan daw kasi ito ng mga anghel na itinakwil ng langit. Mga anghel na hindi makakaalis dito hanggang sa araw ng paghuhukom.

"Malamang na anghel na tagapagbantay dito ang nagbigay sa inyo ng bolang apoy na 'yan." Ani Mitch, habang tinitingnan ang bolang apoy na lulutang-lutang sa aming gitna. "Pero papa'no raw ba tayo matutulungan niyan, Luke?"

"Wala siyang sinabi." Sagot ni Luke na tila naduduling na nakatitig lang sa bolang apoy. "Basta ang sabi niya, ito raw ang gagabay sa atin pabalik. At kailangan daw nating makalabas dito sa loob lamang ng..." Natigilan iti sandali; nagtutuos sa kanyang isipan. "Siguro mga apatnapu't siyam na oras na lang. Kung hindi—"

"Kung hindi'y ano?" tanong Benj.

"Hindi na raw tayo nakakawala pa rito, hanggang sa araw ng paghuhukom."

"What?!" Sabay-sabay na bulalas ng tatlo.

"Eh ano pa ang ginagawa natin? Tayo na!" Natatarantang sabi ni Mitch.

"Eh papa'no nga?!" Tanong ni Tristan. "Paano natin mapapagana ang bolang 'yan?"

"Baka may orasyon!" Sabi ni Benj, "o kaya nama'y magic spell."

"Tulad ng ano?" si Mitch.

"Tulad ng...ahm!" Nag-iisip muna si Benj, "Abrakadabra sisbumba!" Kumukumpas pa ito.

"Tanga!" Bulyaw dito ni Tristan kay Benj.

"Eh ba't di ikaw ang mag-isip?!" Singhal pabalik sa kanya ni Benj.

"Subukan kaya natin ang... ahm." Si Tristan naman, "open sesame!" Kumumpas din ito.

"Puro kayo kalokohan!" Ani Mitch sa dalawa. "Bakit kasi hindi ninyo itinanong sa nagbigay sa inyo?"

"Nakakatakot kasi ang hitsura niya, Mitch." Sagot ko, "kaya medyo nataranta kami ni Luke."

Biglang lumindol. Sa umpisa'y mahina, pero habang tumatagal ay palakas na ito ng palakas.

"DIYOS ko!" Magkasabay na sambit namin ni Luke. Nakatinginan din kami sandali.

Humuhupa na ang pagyanig ng kapaligiran nang...

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon