KABANATA 5

63K 880 40
                                    

Mitch's P.O.V.

Siguro nga mali ako. Mali ang sinabi kong hindi ko siya mahal at hindi minahal. Mali ang sabihin ko na si Luke ang mahal ko at hindi s'ya. Mali ang lahat ng 'yun dahil...hindi 'yun ang totoo.

"Nagseselos si Benj kay Luke, Mitch." Sabi ng medyo tipsy nang si Tristan sa amin ni Luke. "Parati na lang daw kasing si Luke ang takbuhan mo kapag nag-aaway kayo. Kaya hayun, nambababae s'ya, para malaman mo rin daw kung anong nararamdaman n'ya."

Ano raw?

Napasulyap ako kay Luke. Nakatingin ito kay Tristan.

"What a stupid excuse." Mahinang sambit ni Luke.

Umiinom ako ng Margarita nang mamataan kong pumapasok din si Benj at 'yung bagong babae nito sa entrance ng bar. Nagtama ang aming mga mata, pero agad din naman akong umiwas. Ibinaling ko ang tingin ko sa iniinom kong Margarita, para magkunwari, wala akong pakialam sa pagdating nila.

Punyemas. Sa dinami-dami ba naman ng bars sa beach resort na 'to, kung bakit ba naman dito pa nila napiling pumunta? At tila nananadyang do'n pa sila umupo sa malapit sa 'min para ipakita sa amin ang paglalaplapan nila nung babae n'ya.

"Umuwi na tayo." Sabi ko sa dalawa kong kasama. Napalingon din sila direksyon ni Benj. Nahuli rin nila ang eksena ng paghahalikan no'ng dalawa.

"No." Sagot ni Luke. "Hindi titigil 'yan ng pagpapasakit sa 'yo hangga't hindi natuturuan ng leksyon." Lumingon ito kay Tristan, "nagseselos ba kamo s'ya sa 'min?"

Tumango si Tristan at pagkatapos ay biglang tumabi sa akin si Luke. Hinawakan muna ako nito sa batok bago nito ako hinalikan sa labi.

The next thing I know, may bumitbit na kay Luke mula sa may likuran at sinapak ito ng ilang beses. Si Benj.  Nagpupuyos ito sa galit.  Hindi nito tinigilan ang pagsuntok kay Luke hangga't hindi ito bumabagsak sa lupa.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkagulat nang hinila ni Benj ang braso ko. Kinaladkad ako nito palabas ng bar. Lumingon ako para tanawin ang kalagayan ni Luke. Nakalupagi ito sa sahig. Humahalakhak na pinapahid ang dugo sa kanyang pumutok na labi.

"I knew it!" Natatawang wika ni Luke. Alam ko naman na sinadya nitong halikan ako para lang galitin si Benj.

"Benj ano ba?!" Pumapalag ako sa mahigpit na paghawak nito braso ko. Masyado itong malakas; hindi ako makakalas. "Sa'n mo ba ako dadalhin?!" Wala itong imik. Tuloy-tuloy lang ang mabilis na paglalakad hanggang sa humantong kami sa may tabing-dagat na walang katao-tao. "Benj, ano ba?! Bakit mo ba ako dinala rito?!"

Sa halip na sumagot, pinaghahalikan ako niyo habang isa-isa nitong tinatanggal ang bawat isang saplot sa katawan ko.

"Benj ano ba?!" Kahit anong gawin ko, nangingibabaw ang lakas nito.

"Akin ka lang, naiintindihan mo ba?!" Bulog n'ya. Binuhat ako nito pahiga sa buhanginan.

Nagpupumiglas ako habang hinuhubaran n'ya ang kanyang sarili. Isang kamay lang ang gamit n'ya sa pagpigil sa akin, pero wala pa rin akong nagawa.

"I love you, Mitch." Bulong. Kumukubabaw na ito sa akin.

Sinampal ko s'ya, pero hindi pa rin ito natinag. Lalo lang nitong tinindihan ang paghalik sa aking mukha, labi, leeg at magkabilang dibdib.

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon