KABANATA 22

38.1K 672 44
                                    

Mitch's P.O.V.

"Magpahinga ka na, Michelle." Malabing na sabi sa akin ni Lucio habang kinukumutan n'ya ako.

Nanginginig ako at pinagpapawisan nang malamig. Hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko ang mga nakita ko, naramdaman at naamoy sa  nakatatakot, nakadidiri at nakakikilabot na unang lagusan.

"S-saan ka pupunta ?" nang akmang iiwanan na n'ya ako.

"Sa aking silid." Nakangis ito. "Bakit?"

"H-Huwag mo akong iwanan." Umiiyak na ako.

"Gusto ko na ring magpahinga, Michelle." 

"Dito ka na lang magpahinga," binuklat ko ang kumot sa aking tabi.

Natigilan siya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa paanyaya ko.

"Hindi maari." Bago ito tumalikod.

"Pakiusap." Bumangon ako nang paupo. Umiiyak. "H'wag mo akong iwanan Lucio. Natatakot ako."

Lumingon siya sa akin, at saka humarap nang nakangisi.

"Sa akin? Hindi ka ba natatakot?" nakahalukikip ito. "Alalahanin mong mabuti kung sino ako, babae. Hindi ako nagbibigay ng pabor nang walang kapalit." Saka niya ako tiningnan na tila nang-aakit.

"Anong kapalit? Katawan ko?" nairita ako sa gitna ng panginginig ko.

Humalakhak muna ito bago naglakad papalapit sa gilid ng kama.

"Oo." Lumuhod muna ito sa kama saka gumapang palapit sa akin. "Ibibigay mo ba?" halos nakadikit na ang kanyang mukha sa akin.

Napakaguwapo talaga ng walanghiya. Ang amo ng kanyang mukha. Demonyo man ito kung tutuusin, pero s'ya lang ang lalaking tumrato sa akin nang maayos. Kung kay Benj 'to, hindi na siguro ako tatanungin, basta na lang siguro akong gagalawin. Kung kay Luke naman, kukunin lang nito ito at pagkatapos ay tila walang nangyari sa 'min.

Natutukso. Natutukso ako sa guwapong demonyong ito. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nahuhulog ako.

Shit! This can't be happening.

Unti-unting napawi ang pagngisi niya habang unti-unti kong inilalapit ang aking mga labi sa mga labi niya. Dahan-dahan na ring lumambot ang hitsura n'ya, nang ang mga ito'y naglapat na.

Bahala na...bahala na lang talaga. Dahil sa ngayon, gustong-gusto ko na s'ya.

Dumadaing ako habang animong sinasamaba n'ya ako. Hinahalikan n'ya ang bawat parte ng katawan ko. Wala itong pinalampas. Isinubo rin nito pati ang mga daliri ng aking magkabilang paa.

"Michelle...Michelle..." bulong niya sa tenga ko, "napakaganda mo, Michelle..." saka n'ya buong lambing na hinalikan ang aking mga labi, ang aking magkabilang panga, ang palibot ng leeg ko, pababa sa magkabilang dibdib ko. 

It was so good, I couldn't even explain it.

"Sambutin mo ang aking binhi, Michelle..."

"O-oo... O-oo." Wala sa sarili kong sagot. Hindi ako mapakali nang binilisan na n'ya. This is way better. Way better than Benj's.

Si Benj. Naalala kong bigla si Benj. 

What am I doing? 

Benj, maybe imperfect, pero s'ya ang mahal ko. 

"Bitiwan mo ako Lucio!" Sigaw ko habang patuloy ito sa panghihimasok sa akin, pero hindi nito ako pinakinggan. Sa halip ay pinako n'ya ang aking mga braso sa mas pinariing pagtuon sa mga ito. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Umiiyak na sigaw ko. Hindi pa rin nito ako pinakinggan.

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon