KABANATA 1

102K 1.1K 86
                                    

Luke's P.O.V.

Anak ng putakteng tuliro. Minsan ko na nga lang maisama ang bestfriend ko sa misa, tinulugan pa 'ko?

Binunggo ko na ng kaliwang balikat ko ang nakahilig ditong ulo ni Benj. Napapatingin na kasi sa amin ang nagmimisang Pari.

Tila wala namang effect ang ginawa ko, muli rin naman kasing humilig ito; heto nga't humihilik-hilik pa.

"Tanggapin ninyong lahat ito at inumin. Ito ang kalis ng aking dugo," Anunsyo ng Pari. Ako nama'y inis na inis na sa paghilig ni Benj sa aking kaliwang balikat--gayo'n din sa kanyang paghilik malapit sa aking kaliwang tenga. "Ang dugo ng bago at walang hanggang tipan..." Hinataw ko ang noo nito ng binilot na Missalette.

"Pare!" Bulalas ni Benj, kasabay ng biglang pagbalikwas nito, "Itagay mo na 'yan!" Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng simbahan.

Anak ng--at napapanaginipan pa yata ng mokong ang pakikipaglasingan nito kagabi.

Ugh! Nakakahiya. Napahinto tuloy 'yung Pari sa pag-inom nito ng alak mula sa kalis. Pinagtitinginan na rin kami ng lahat ng mga tao ro'n. Nakakapagsisi tuloy na hinataw ko pa ito ng Missalette. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, eh di sana pinukpok ko na lang ito ng makapal na hardbound na Bibliya.

***

"Pambihira ka naman, bakit ka naman natutulog habang nagmimisa?" Buwisit na buwisit ako; nasa kotse ko na kami. Nagmamaneho na ako para ihatid ito sa kanila.

"Sorry pare, napuyat kasi ako kagabi. Alas tres na natapos ang inuman namin nina Jon at Bernard eh."

"Nakikipagsabayan ka sa inuman sa mga 'yun, eh alam mo namang sanay na sa tunggaan ang dalawang 'yun? Saan ba kayo nag-inuman?"

"Nag-barhopping kaming tatlo, nag-o-observe kasi 'yung dalawa sa iba't ibang bars para magkaroon sila ng idea kung anong gagawin nilang gimmick do'n sa bar nila. Tinatawagan nga kita kagabi, hindi mo naman sinagot ang phone mo."

"I have better things to do other than hanging out and getting drunk. I was doing my research papers yesterday."

"Ito naman! Masyado ka namang seryoso sa buhay. Mag-enjoy ka naman paminsan minsan, hindi 'yang nagmukmok ka kung saan-saan at nagbabasa ng kung ano-ano. Ano na naman ba ang nire-research mo eh graduate na naman tayo?"

"I work as a researcher, remember?" 

Nagtatrabaho kasi ako bilang isa sa mga lead researchers for my Dad's group of companies. The kind of job I really love doing. Dahil sa trabahong 'to, hawak ko ang oras ko, nakakapag-travel ako na sagot ng kumpanya, and the best part? Bukod sa may suweldo na ako to do what I want, I get to see and learn a lot of things; plus factor pa na nakatutulong ako sa mga negosyo namin. I have this tough job, alright? But I don't feel like working at all, because I really, really love what I'm doing.

"Ay, oo nga pala." Kakamot-kamot pa ang tukmol.

"Eh ikaw? Anong plano mo sa buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng trabaho?"

"May trabaho naman ako ah!"

"Ano? 'Yung pagpa-part time DJ mo? I am talking about a real job na related sa tinapos mo." Graduate ito ng Business Administration dahil ito ang inaasahan ng kanyang Papa sa mag-a-asikaso ng negosyo nila, pero heto, dalawang taon na kaming graduate sa kulehiyo, puro bulakbol pa rin ang inaatupag.

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon