KABANATA 8

56.4K 891 92
                                    

Luke's P.O.V.

"Teka," Sabi ko na na, "Bakit kanina pa yata tayo paikot-ikot eh hindi naman tayo nakakarating?" Sinilip ko ang 'trip meter' "At saka, akala ko ba twelve miles lang?" Tanong ko kay Jackie, "Eh mukhang nasa trenta na ang itinakbo natin ah!"

"Oo nga...parang tatlong beses na yata tayo nagpapaikot-ikot sa kalyeng ito!" Sabi naman ng lilinga-lingang si Benj.

"Hindi lamang 'yun ang bad news guys..."Sabi naman ni Mitch na siya pa ring may hawak ng manibela. "Malapit na tayong maubusan ng gasolina."

"Ha?!" Sinilip ko ang fuel gage, nasa huling guhit na nga! "W-wala ba tayong nadadaanang gas station?"

"Duh!" Sagot ni Mitch, "Kung meron, mag-aalala ba ako ng ganito? Hindi ko alam kung bakit nagpapaikot-ikot tayo sa lugar na 'to, eh tama naman ang mga nililikuan ko!"

"Ihinto mo na muna ang Van mitch!" Sabi naman ni Tristan, "We have to figure out what's going on first bago tuluyang masaid ang gasolina natin."

Pumara naman si Mitch sa isang tabi. Nakapagtataka namang, walang kahit isang sasakyan ang dumadaan sa kalyeng 'yun.

"Puwede bang pakitulungan mo kami, ha?" Mataray na tanong ni Mitch kay Jackie. Pero kagat-kagat lamang naman nito ang kanyang mga kuko na may kasamang nag-aalalang mukha.

"Sorry guys...h-hindi ko rin alam ang nangyayari eh. H-hindi ko kabisado ang kalye na 'to, kaya hindi ko rin alam kung nasaan na tayo."

"Ano?!" Sabay-sabay kaming lahat map'wera kay Jackie.

Anak ng putakteng duling!

Napakalayo pa naman ng poste ng ilaw sa hinintuan namin kaya sobrang dilim. Puro talahiban pa ang magkabilang gilid at wala man lamang kabahay-bahay kahit saan ako tumingin.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Benj.

"Anong gagawin natin?!" Mataray na singhal sa kanya ni Mitch--tinitigan s'ya nito sa rear view mirror. "Eh bakit hindi mo tanungin 'tong fling mo? Tutal, siya naman ang may pakana ng lahat ng ito! Ang lakas ng loob mag-imbita, wala naman palang alam sa lugar! Buwiset!"

"H'wag na tayong magsisihan Mitch," sabi ko, "pare-pareho tayong pumayag sumama kaya't mas makabubuting magtulungan na lamang tayo para makaalis tayo rito."

"Excuse me!" Sagot naman ni Mitch, "Kayo lang ang pumayag. Ako, napilitan lang! Kundangan ba naman kasing may sarili naman kayong pera pero daig pa ang hubble satellite kung mag-pick-up ang mga radar n'yo kapag nakakaamoy kayo nang libre!"

Hindi na ako nagsalita. Mahirap makipagtalo kay Mitch. Siguradong may sagot ito sa bawat hirit mo. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala talagang signal. Hindi rin masagap ng GPS ang aming lokasyon. At kung kailan ko naman dapat bitbit ang compass at mapa ko, kailan naman hindi ko nadala ito.

Tsk. Kapag minamalas ka nga naman, oo. Pero teka...

"Jackie," Sabi ko, "May mapa ka ba sa glove box nitong Van niyo?"

"I'm not sure, sa Papa ko kasi ang Van na 'to. Pero titingnan ko." Binuksan niya ang Glove box. "Oo!" Aniya! "Eto oh!" Sabay abot sa akin ng Mapa.

"Eh Compass, meron?" Hirit ko.

"Wala eh."

Damn it!

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon