KABANATA 21

34.6K 653 92
                                    

Mitch's P.O.V.

Nag-alala ako kay Alyssa. Pero hindi ko sigurado kung gusto kong sumama. Imposibleng nang makapaglakbay ang isang tao nang ganun kalayo sa ibabaw nga lupa, pa'no pa kaya kung sa ilalim pa? Hindi ko kakayanin 'yun. Sigurado akong hindi. Ang lakarin pa nga lang ang kahabaan ng Edsa, hindi ko na kaya. 'Yun pa kayang Cagayan to Bulacan pa?

"Saan ka nanggaling?" bungad sa akin ni Lucio. Naroon ito sa silid ko. Nakatalikod sa akin. Nakatanaw sa labas ng bintana.

"Naglibot lang." Walang gana kong sagot. "Hindi ko na kasi alam kung papaano ko pa paglalabanan ang pagkabagot ko rito."

Lumingon ito at hinarap ako. Napakaguwapo talaga n'ya. Napaka-amo ng kanyang mukha.

"Kung naghahanap ka ng matatakasan. Kalimutan mo na. Walang ibang ligtas na daanan dito palabas kundi ang pintuan sa harapan."

Ang pintuan sa harapan? Kung saan isang libong demonyo ang nagbabantay?

"H'wag ka ring magkakamaling isipin," dugtong n'ya, "na hindi ko alam ang pinaplano ni Alyssa. Alam kong matagal na itong pumupunta sa lagusan, para pag-aralan kung paano s'ya makakatakas dito. Pabayaan mo s'ya. Hayaan mo s'yang magtangkang tumakas sa lagusang 'yun. Tingnan lang natin kung makakalampas man lang ito sa ika-isanlibong bahagi."

"Hindi mo man lang ba s'ya pipigilan?"

"Bakit ko s'ya pipigilan? Gusto n'yang magpakamatay...ang mag-lakbay ng imposibleng layo gamit lamang ang kanyang mga paa? Humayo siya, at magpakatanga. Wala akong pakialam sa kanya!"

"Eh para saan ba ang mga lagusang 'yon, kung wala rin naman pala ang nakakawala?"

"Sumunod ka sa akin..." umakmang palabas na s'ya ng pinto.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lagusan."

Napatulala ako.

"Gusto kong ikaw mismo ang makikita," dugtong niya," para malaman mo kung para saan 'yon. At nang makapagdesisyon ka na rin kung gugustuhin mo pa rin ang sumama sa kanya."

Lumabas na si Lucio ng pintuan. Sumunod ako. Hindi ko na mabilang kung ilang pasikot-sikot ang aming nilikuan. Pero isa na ngayon ang nasisiguro ko. Naliligaw na ako. Hindi ko na alam ang pabalik sa pinanggalingan namin.

Matapos namin magpaikot-ikot sa ika-labing tatlong palapag ng kastilyo, bumaba naman kami sa ikalabing-dalawa; pababa sa ikalabing-isa, hanggang sa makarating kami sa unang palapag.

Grabe! Pagbaba pa lang mula sa tore—sa ikalabing-tatlong palapag, hanggang sa unang palapag, pagod na ako. Papa'no pa kaya sa papunta sa lagusang tinutukoy ni Lucio?

Ang unang palapag ay marami uling pasikot-sikot. Daig pa namin ang nasa gitna ng maze sa dami ng nililikuan. Maya-maya lang ay huminto si Lucio. Binuksan ang isang pintuan sa sahig kung saan mayroong hangdaanan pababa sa basement.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Nagsimula akong magbilang ng napakatatarik na baitang mula sa ground floor papunta sa basement, ang kaso wala man lang itong hawakan, na alos paupo na ako sa pagbaba simula sa bandang gitna. Nanginginig ang binti ko dahil sa pagkalula. Ang pakiramdam ko'y tila ba isang kalabit lang ay mabubuwal agad ako at malalaglag. Hindi ko dapat maramdaman, pero nakampante ako nang hinila ako ni Lucio papalapit sa tabi niya. Bahagyang nawala ang kaba ko, nang ikinulong n'ya ako sa kanyang mga bisig bilang suporta.

Pinaghalong kilabot at pandidiri ang nararamdaman ko habang tinatanaw ko ang hindi mabilang na demonyong nakikipag-orgy sa hindi mabilang na mga babae at lalakeng tao sa kalawakan ng basement. Nagkalat sila. Walang ginagawa kundi kalaswaan. Nakakabibingi ang kanilang pinaghalo-halong ungol at hiyaw, kasama na rin ang panaghoy ng mga lalake at babaeng taong, dumadaing sa hirap. Habang lumalapit ako sa kanila at nakita nang malapitan, saka ko lang lubusang nagpagtantong hindi pala gusto ng mga lalake at babaeng tao ang kanilang ginagawa. Napipilitan lang sila, dahil wala naman silang magagawa.

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon