Chapter 26: Macky & Cheska

14K 223 10
                                    

vote and comment ^__^

**

-Cheska’s POV-

Naiwan nalang akong mag-isa dito.

Umupo ako dun sa may gilid ng puno na may bato.

Umiyak lang ako.

Yun lang naman ang kaya kong gawin ngayon eh, ang umiyak.

Hindi ko sya kayang pigilan kahit sabi ng iba kung mahal mo ipaglaban mo pero bakit ko pa sya kailangan ipaglaban kung hindi naman sya sa akin sasaya at nakalaan na sya para sa iba.

Sabi ko na nga ba may iba talaga sa kanila ni Lianne. Iba kasi sya tumingin kay Lianne. Tingin na may pagmamahal.

Matagal ko na ding alam na hindi nya ako mahal. Masyado lang talaga akong nabulag sa pagmamahal ko sa kanya.

Ngayon wala na sya sa akin, pinalaya ko na sya. Di ba ganun naman talaga kapag  mahal mo yung isang tao kahit ano gagawin mo kahit kapalit pa nun ay ang kaligayahan mo.

May naramdaman akong patak sa kamay ko. Akala ko luha ko pero umuulan na pala. Pati si mother earth nagdadrama masyadong gaya-gaya.

Yumuko ako at umiyak lang. Tss kung nagiging ginto lang ang luha ko baka ang yaman ko na sa dami nang naiyak ko.

Naramdaman kong hindi na umuulan.

Pagkatingala ko may nakita akong payong at si Macky.

Pinahid ko yung luha ko at ngumiti.

“Hoy Macky the monkey. Anong ginagawa mo dito?” sabi ko at medyo tumawa.

Pag binenta ako mura lang kasi sobrang fake ako at plastic.

Niyakap nya ko kaya nahulog nya yung payong at nabasa na kaming dalawa.

Tanga talaga sya kahit kailan. Nagdala pa sya ng payong kung magpapabasa din sya.

“Tss bakit ka ganyan ha? Umiyak ka mas magandang umiyak kesa kimkimin mo yan baka mamatay ka pa”

Niyakap ko din sya at dun umiyak. Para kaming tanga sa gitna nang ulan.

Nakayakap lang ako sa kanya at umiiyak.

Si Macky na kinaiinisan at lagi kong inaasar eh ang taong nagco-comfort sa akin ngayon.

Inalalayan nya ako sa kotse nya.

Kinuha nya yung jacket nya sa kotse at sinuot sa akin.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Tumigil na din ako sa pag-iyak.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon