Chapter 35 [Finale]

11.7K 220 14
                                    

thank you sa support.

Love you all.

***

-Kevin's POV-

Pagkadating namin sa ospital ni Cheska ay nakita ko na sila.

Napaupo naman ako dun sa upuan.

Puro hagulhol ang naririnig ko sa paligid.

Iyak ni Cheska, ni Lianne at nung mommy ni Zyrene.

Gusto kong sumigaw at umiyak pero hindi ko magawa kasi ayokong sumuko dahil alam kong hindi nya kami iiwan.

"Sir patay na po si Mauricio Hilario" sabi nung nurse na lumapit sa Daddy ni Zyrene.

Mas lalo akong nanghina. Hindi kinaya nung kasama ni Zyrene yung aksidente. Sobrang lakas nung pagkakabangga nila.

Tumayo ako at nagsimulang naglakad.

"San ka pupunta Kevin?" narinig kong sabi ni Cheska.

"Hayaan nyo na muna sya" sabi naman sa kanya ni Macky.

Dumiretsyo ako sa chapel nang ospital.

Lumuhod ako at nagsimula nang tumulo yung mga luha ko.

Nagdasal ako.

"Hindi ako mahilig magdasal o magsimba. Pero ngayon isa lang ang kailangan kong sandalan at yun ay IKAW. Please, kung totoo ka man wag mong kukunin ang taong mahal ko. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko sya kayang mawala sa akin. Hindi pa kami nakakapag-simula. Ngayon lang ako nagmaka-awang ganito sa buhay ko kaya sana marinig mo ito. Amen"

 

Naupo lang muna ako dun.

May narinig akong kanta at sinabayan ko yun.

(Play the song on the side ^__^)

"I wanna make you smile whenever you're sad

Carry you around when your arthritis is bad

All I wanna do is grow old with you"

 

 

Naisiip ko, paano kung mawala sya?

Paano kung hindi natupad yung hiniling ko?

Kaya ko ba?

"I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you"

 

Pero alam kong kakayanin nya yan..

Sya pa eh may lahing gangster yan kaya hindi sya bibigay..

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold"

 

Pinunasan ko yung tumulo kong luha. Nagiging iyakin na ako dahil kay Zyrene. Nakaka-bading lang ha. -___-

"Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control"

 

Pumikit ako at inisip yung mukha nya. Yung mga ngiti nya na nagpapanatag ng loob ko.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon