Chapter 10

18.9K 316 4
                                    

--Zyrene's POV--

"I hate you Zyrene. I hate you" sabi nya habang umiiyak at biglang tumakbo.

Hinabol ko sya pero..

*boogsh*

"Aw!"

Shemay nahulog pa ako sa kama. 

Dahan-dahan akong umupo sa kama ang sakit kasi ng pagkakahulog ko.

Hayy napanaginipan ko na naman yun.

Nagpunta nalang ako sa cr para mag-ayos at maligo.

Bigla kong naalala yung nangyari kagabi.

Huli kong natatandaan eh nakaupo kami ni Kevin. Siguro nakatulog ako at dinala nya ako sa kwarto namin ni Cheska.

Pero speaking of Cheska ano na kaya ang nangyari sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto. Saktong paglabas ko lumabas din si Kevin. Nagkatinginan kami saka tumawa.

"Good morning Kevin. Thanks pala kagabi sa paghatid mo sa akin saka pasensya na kung nakatulog ako."

"Ah yun ba wal--"

*boogsh*

Napahinto si Kevin nang may narinig kaming nabasag.

Dali-dali kaming bumaba at nakita namin si Macky pinupulot yung nabasag na baso sya siguro yung nakabasag. Si Kath naman ganito yung itsura --> O__O. Nakatingin sya kina Darwin at Cheska na..

MAGKA-HOLDING HANDS!!! *O*

"Ui pare ano yan?" tanong naman ni Alexis na nasa likod ko na pala.

Napakamot lang ng ulo si Darwin.

"Kuya Darwin kayo na ba ni Ate Cheska?" tanong ni Kath. Aba ang bata pa eh ang dami nang alam.

"Ahm.." Napatingin naman si Darwin kay Cheska babes. Si Cheska naman nag-smile lang. "I think so"

"Yiiiiiiiiiieeeeeeeee" sabay naming sabi ni Kath.

Grabe mas kinilig pa kami kay Cheska babes noh.

Pumunta na kami sa dining table para kumain ng breakfast-slash-lunch namin.

Yung dalawang lovebirds naman eh hindi maalis ang ngiti.

After kumain at mag-ayos may kanya-kanyang lakad sila.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon