Chapter 14

16.5K 282 10
                                    

--Zyrene's POV--

3 days na din simula nung nakauwi na kami sa Batangas vacation namin.

Ngayon it's Ocober 27. My birthday.

Haaaaayyyy pero hindi ako nagcecelebrate ng birthday ko since nung nawala sya. Wala ding nagpapaalala o bumabati sa akin kasi alam nilang kinamumuhian ko ang araw na toh.

Nandito ako sa madalas naming puntahan. Kung saan nagsimula at nagtapos ang lahat.

Tatlong taon na. Tatlong taon na simula nung iniwan nya kami.

Umupo ako at inaalala ang mga araw na yun. Nagsimula na akong umiyak. Ang sakit pa rin talaga kahit tatlong taon na ang nakalipas.

Francis.. I'm sorry for the nth time.

--flashback--

Three years ago..

"Lei ano ba layuan mo nga si Francis. Simula nung dumating ka nawalan na sya ng panahon sa amin ni Cheska." sabi ko kay Lei sya yung crush ni Francis.

Umiiyak lang sya nun.

"Zyrene sorr--"

Napahinto sya nung bigla syang hablutin ni..

FRANCIS?!

"Wag kang mag-sorry sa kanya!" sabi ni Francis na halatang galit na.

"Bitawan mo ako Francis. I hate you"

Nung binitawan sya ni Francis tumakbo na sya.

"Lei! Leeeeeeiiii!"

Umiiyak na din si Francis nun.

Napahawak ako sa bibig ko. Myghad first kong makita syang umiyak.

At ako yung dahilan.

"Francis.."

Pagkasabi ko nun humarap sya sa akin at mababakas mo sa mukha nya na galit sya.

"Ano bang problema mo ha Zyrene?!!"

Napaiyak nalang ako. Eto yung unang beses na sinigawan nya ako.

"I hate you Zyrene. I hate you" sabi nya habang umiiyak at biglang tumakbo.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon