Special Chapter: The Truth (Chapter 12.2)

11.4K 168 1
                                    

--Lianne's POV--

Nagising ako kanina na nasa kwarto na ako. Nakatulog yata ako kagabi nung kasama ko si Darwin.

Pero wala sya nung nagising ako sabi ni Manang Rosa maaga daw umalis.

Gabi na at di ko pa din sya nakikita. Ayoko naman syang tawagan kasi ewan ko parang nailang ako simula nung kagabi.

10 pm na. Waaahh miss ko na sya kaya tinawagan ko na sya. Mga naka-ilang ring din yun bago nya sagutin.

(Hello?) bungad nya.

"Ahm Darwin nakakainip na kasi dito pwede ba akong pumunta dyan."

(Tss.. matulog ka na lang) halatang naiirita na sya.

Lagi naman eh. >__<

"Sige na please, please, please, ple--"

(Ok sige na tama na yan)

Napilitan? Pero ayos lang na-miss ko sya eh. ^____^

"Yey!! Thank you"

(Ang ingay mo sige sunduin nalang kita)

Yiieee susunduin daw nya ako.

"Ok baba--"

*tooot*

"Ay binabaan ako?"

Nag-ayos nalang ako saka naghanda ng ilang damit. Ang alam ko hanggang bukas nalang sila kasi three days lang naman sila dito.

Mga 1 hour din bago sya nakapunta dito.

Tahimik lang sya at nauunang maglakad habang nakapamulsa.

Siyyyyeeeettt bakit ganun ang gwapo ng likod nya? Nakaka-inlove. >__<

Nung dumating kami halos lahat ng kabarkada nya ay nakatingin sa akin. Waaahh bakit ang daming hot at magaganda dito? Nakaka-conscious tuloy.

"Huy Cheska pinagpalit ka na ni Darwin oh" sabi nung cute na guy dun sa magandang girl. Anong ibig sabihin nya dun?

"Ano ka ba kuya malay mo friend lang" sabi nung cute na bata sabay batok dun sa guy.

Friend? Di kaya kami friends noh fiancé ko sya.

"Guys sya pala si Lianne ahmm.."

Napahinto sya na parang nag-iisip siguro?

"..family friend"

Napatingin naman ako sa kanya at yung puso ko parang nabiyak. Ang sakit sobra ang sakit dito *points to the heart*.

Ngumiti lang sa akin si Darwin na parang wala lang.

Hindi ko nalang pinansin yung sakit at lumapit nalang ako sa kanila.

"Ahm hello sa inyo pwede ba akong maki-join?" sabi ko sa kanila.

Pumayag naman sila. Mukha naman silang mabait eh.

Nagpakilala na silang lahat. Si Alexis yung guy kanina tapos si Kath yung cute na bata. Si Zy yung isa at ang ganda nya, si Kevin at Macky naman yung dalawa pang hot.

May isa pa na hindi ko kilala. Yung Cheska ba yun? Sya kasi yung sinabi ni Alexis na pinagpalit ni Darwin. Ayy di ko ma-gets.

Lumapit kami ni Zy sa kanya.

"Ahm Lianne sya pala si Cheska.."

Pinutol nung Cheska yung sinasabi ni Zy at sya na yung nagtuloy at yung sinabi nya ang nagpabiyak lalo sa puso ko.

"Girlfriend ni Darwin" Ouch. Inilahad nya yung kamay nya at tinanggap ko naman at ngumiti. Buti nga nakangiti pa ako nun.

Pagkatapos nun sabi ko magsa-shower lang ako kasi hindi ko na talaga kaya.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon