Chapter 4

25.6K 414 2
                                    

After nung 4 naming subject ay lunch na namin. Hindi ako nakinig sa lahat ng subject namin kanina kasi halos lahat alam ko na. Yeah yabang ko nuh. Tinuro na kasi sa amin yun dun sa dati kong school. Miss ko na din yun ah.

Tatayo na sana ako ng may lumapit sa akin. Sina Alexis, Macky, yung papa Darwin ni Cheska babes at si Kevin. Teka bakit parang bumilis yung tibok ng puso ko. Weird naman oh.

“Hi Owen! Ako nga pala si Macky”

“Hello Macky!” Ngumiti ako sa kanya. Cute sya infairness.

Napansin kong tinititigan ako ni Kevin.

“Teka parang pamilyar ka parang namumukhaan kita” sabi nya sa akin nung tumingin ako sa kanya.

Oh my pechayyyy! Baka nakilala na nya ko wag naman sana. Huhuhu

“Kilala mo sya Kevin?” sabi ni Alexis.

“Oo di ba ikaw yung nakabunggo sa akin sa mall” Wahahaha kilala nya talaga ako. Patay ako. Wait di ba sya yung bumunggo sa akin?

Magsasalita na sana ko ng sumingit sya.

“Di ba ikaw yung lalakeng yun?” LALAKE? Weh? Ibig sabihin hindi yung sa kahapon yun. Ligtas. Pero ano ba tong sinasabi nya parang di ko maalala.

“Ha?”

“Ako yung lalakeng naka-shades na nabunggo mo sa mall dati kasi nakayuko ka”

Wait parang alam ko na yan ah.

 

--flashback--

“Wait lang Zyrene babes bibili lang ako ng pagkain dun hintayin mo nalang ako dun sa may upuan na yun ok?” sabay turo dun sa may upuan.

“Sige”

Nagsimula akong maglakad pero nakayuko kasi naiilang ako sa itsura ko.

Nang biglang...

BOOM!

“Aray!”

Napahawak ako sa ulo ko. Shemay lagi ata akong nababangga ah.

Napatingin ako sa nabangga ko. Lalake syang naka-shades.

Ano ba yan nasa loob sya ng mall tapos naka-shades.

“S--”

Nahinto yung pagsasalita ko nung naalala kong lalake pala ang itsura ko ngayon kaya dapat mag-boses lalake ako.

“Ehem! Sorry pre”

Tumango lang yung lalake saka naglakad ulit.

--end of flashback--

“Ahh naaalala ko na ikaw pala yun hindi ko kasi nakita yung mukha mo nun eh naka-shades ka kasi”

“Hahaha si Kevin nakashades sa loob ng mall” sabi ni Darwin habang tumatawa. Binatukan naman sya ni Kevin.

Ang cute pala nilang tingnan.

“Adik pinagtataguan ko lang si Katherine nun eh”

“Nako pinagtataguan mo yung kapatid mo ha bait na kuya”

So may kapatid pala sya.

“Tara na nga kain na tayo” sabi ni Alexis tapos tumingin sa akin. “Sumama ka na sa amin Owen kakilala ka naman ni Owen kaya friend ka na namin. Ako nga pala si Alexis.”

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon