Chapter 5

28K 397 15
                                    

Ilang buwan na simula nung pumasok ako sa school na yon. Isang linggo nalang sembreak na yihhhh. Close ko na sila Kevin, Alexis, Macky at Darwin. Medyo close na din sa kanila si Cheska kaso nung nakaraang araw medyo busying busy ang aking babes.

Ilang araw ko na din hindi sya nakikita at miss na miss ko na sya kaya may lakad kami ngayon. Saturday kasi ngayon at wala naman kaming project o gimik nila Kevin. Naka Zyrene din ako ngayon isa din toh sa namiss ko ang pagiging babae ko hehe.

Nandito ako ngayon sa Enchanted Kingdom at hinihintay ang aking babes na malapit ko nang masapak at late na sya ng 10 minutes sa usapan.

1:10 na at wala pa sya. Masasapak ko talaga yun pagdating nya.

*kringggggggggg! kringggggggg!*

Tiningnan ko yung cellphone ko na tumutunog.

Calling..
Babes ganda <3

Tss bakit naman to tumawag? Parang may nafe-feel ako ah.

“Hello Cheska babes?”

“Huy babes sorry hindi ako makakapunta leche kasi yung adviser namin may pinagawa pa sa akin sorry talaga hindi ako pwedeng umalis alam mo naman class president. Bawi nalang ako”

“Ah ok lang”

“Bye na babes tinatawag na ko ni Sir eh”

Inend na nya yung call tapos ako naupo sa may bench dun. Nalungkot ako kasi ang tagal na naming hindi nagkita pero hindi pa sya makakapunta. Hindi naman ako galit sa kanya kasi alam ko naman na malaki yung responsibility nya dun kasi class president sya pero sana naman hindi nya makalimutan na may bestfriend pa sya.

Pumasok na lang ako kasi sayang din naman nandito na ako kaya susulitin ko na.

Pipila na sana ako nang may nakita akong batang umiiyak. Nilapitan ko sya.

“Bata ayos ka lang?”

Tumingin sya sa akin.

“Hindi na ako bata kaya wag mo akong tatawaging bata”

Ay ang taray ng lola mo.

“Ok miss bakit ka umiiyak?”

“Help me! Nawawala kasi si Kuya eh umalis lang ako saglit tapos nung bumalik ako wala na sya.”

Teka yung kuya nya ang nawawala? Eh baka sya ang nawawala. Talaga namang bata toh oh.

“Sige halika punta tayo dun sa Lost and Found para mahanap mo na yung kuya mo”

Ngumiti na yung bata at humawak sa kamay ko.

Habang naglalakad kami tiningnan ko sya. Parang may kahawig sya pero hindi ko alam kung sino.

“Ahm anong pangalan mo?”

“I’m Katherine. Ikaw?”

Hmm parang pamilyar din yung name nya ah.

“Call me Ate Zy”

“Oh Ate Zy. Ang ganda mo.” ngumiti sya.

Naku ahem kids don’t lie haha.

“Thank you kaw din ang ganda mo.” Totoo yun ang ganda nya talaga para syang barbie. “Ilang taon ka na?”

“Seven”

“Ahh”

Pagkadating namin dun ay nagtaning yung lalake dun ng basic info kay Katherine tapos inanounce na dun sa buong EK.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon