Chapter 27

14.4K 224 6
                                    

vote and comment ^__^

**

-Zyrene’s POV-

Haaaayy! Ang bilis ng panahon. February 1 na!

Yeah two months na since nung mangyari yung sa restobar.

Nakaraos naman kami sa christmas at new year ng maayos. Nagkaayos naman na si Darwin at Cheska. Nagkausap na din naman sila ni Lianne.

At ang bruha kong bestfriend, liniligawan pala ni Macky. Sus si babes pakipot much pa halata namang may gusto na sya kay Macky boy. Tamo yung dalawa parang aso at pusa ngayon lovers na.

Ngayon naman ay busy ako sa pag-aayos ng sarili ko, kasama ko pala si Cheska. May party daw kasi kaming pupuntahan na bestfriend daw nila mom and dad.

“Huy babes! Alam mo feeling ko hindi lang toh ordinary party eh” sabi ni Cheska habang nakaharap sa salamin.

“What do you mean?” tanong ko at tiningnan din ang sarili ko sa salamin, inayos yung lipstick ko and I’m done.

“I don’t know pero parang may kutob ako na may something dito sa party na toh. Saka kung makapag-usap sila mom at tita kanina parang sobrang serious”

Hay nako talaga tong si Cheska babes kung ano-ano ang nararamdaman. In-love lang kasi sya eh.

“Nako masyado kang ewan dyan. Ordinary party lang toh nung bestfriend ni Mader.”

“Ok ok sabi mo eh. Let’s go na nga at tayo nalang yata ang hinihintay”

Bumaba na kami at sumakay na.

Nung nasa sasakyan kami, medyo  may nararamdaman din akong something kasi sobrang tahimik nila.

Ay ewan  masyado lang akong napaparanoid sa mga sinasabi sa akin ni Cheska.

Pagkadating namin konti palang yung tao.

Sila mom, dad at yung parents ni Cheska ay nakipagkwentuhan  na dun sa iba pang bisita.

Si Cheska naman busy sa pakikipag-usap kay Macky sa cellphone nya. Tss parang nagkita lang sila kaninang umaga tapos ngayon naman magkausap naman sila. Aba hindi ba sila nagsasawa sa isa’t-isa.

Pumunta muna ako sa may garden nila at naupo dun sa may swing. Nasa harap ko yung pool na kita pa yung reflection ng moon.

“Ahh!”

Nagulat ako ng may biglang magtakip sa mata ko.

Tinatanggal ko pero sobrang lakas nya. Hindi naman sya si Cheska kasi sobrang laki ng kamay nito parang lalaki.

“Uy ano ba? Sino ka ba?”

Tinanggal nya yung kamay nya tapos ako hindi ko kaagad makita yung mukha nya kasi medyo nanlalabo yung paningin ko.

“Alexis!” sabi ko nung makita ko na kung sino sya.

“Yow Zy” sabi nya at umupo sa katabi kong swing.

“What are you doing here?” tanong ko.

Bakit naman kaya sya nandito? Business friend? Nah, ang mga pumupunta dito ay puro mga agents at other secret agent company.

Tumingin lang sya sa akin at ngumiti.

“You mean..”

Oh no! Agent din sya? Ibig sabihin..

Ngumiti lang sya at tumango.

Ayaw nya bang magsalita?

“Alam mo na yung secret ko?!” sigaw ko sabay tayo at turo sa kanya.

O.a ba? Pasensya naman hindi naman kasi ako nagulat eh. -___-

“Yup” sabi nya at tumawa-tawa pa.

Napaupo na lang ulit ako sa swing.

“Ibig sabihin simula pa lang nung una tayong nagkita sa park alam mo na yung mangyayari?”

He nod. “Actually hindi yun yung una nating pagkikita.”

Huh? Anong pinagsasasabi nito?

“Remember, nung may nakabunggo ka tapos dumating yung dad mo.”

Oh sya pala yun.

Natahimik lang kami.

Medyo nakakaramdam ako ng inis sa kanya kasi all this time na magkasama kami alam nya na pala na ako at si Owen ay iisa.

“Alam kong galit ka pero hindi ko naman din toh ginusto eh”

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa may pool.

“Tss ayos lang noh at least ngayon alam ko na. Past is past.”

Tumingin sya sa akin at ngumiti lang ako.

Maya-maya may lumapit sa amin na maid at pinapapunta kami dun sa may parang office room.

Pagkapasok ko dun sa room na yun nakita ko si Cheska. Nung tumingin ako sa kanya bigla syang yumuko.

Oh no parang may mali. Nakita ko yung parents ko, parents ni Cheska at yung isa pang mag-asawa. Nakatingin lang sila sa amin.

Tiningnan ko si Alexis kung may alam sya dito. Umiwas lang sya ng tingin.

Sige ako na op. Ano bang meron at ganyan sila. Tell me please.

“Iha we need to talk” sabi ni Dad na nagbigay sa akin ng kaba.

-Cheska’s POV-

“Ok ladies and gentelmen. So I have something to announce..” sabi nung host nitong party.

Napatingin ako kay Zyrene.

Alam kong nasasaktan sya pero masyado syang mabait kaya para sa amin gagawin nya toh.

**

My Gangster QueenWhere stories live. Discover now