Chapter 3

28.5K 458 7
                                    

Waaaahh. One week na simula nung maging si Owen ako at bukas papasok na ko dun sa new school ko. Nandito ako ngayon sa park pero bilang Zyrene gusto ko kasing sulitin yung pagiging girl ko kasi baka hindi ko na magawa toh pag pumasok na ko.

Hinihintay ko si Cheska kasi may pasok sila ngayon. Pupunta kami ng mall.

Nasa playground lang ako ng park mula kanina at nag s-swing. Psh nakakainip wala pa akong kausap kasi wala namang tao sa park ngayon kasi may pasok nga di ba.

Lumipat ako dun naman sa monkey bar at naupo mababa lang kasi yun.

Nakinig nalang ako ng music sa cellphone ko buti nalang dala ko yung headset ko.

Nung plinay ko na ‘14’ ng Silent Sanctuary yung tumugtog.

Sinabayan ko yung kanta habang nakatingala sa langit at napapikit ako.

Inaayos ko ang iyong isipan ngunit hindi ka nakikinig. Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit wala pa rin. Ilang beses ko bang sasabihin na wala nang kwenta..

Napahinto ako sa pagkanta ng maramdaman kong may umupo sa tabi.

Tiningnan ko kung sino.

Ngumiti sa akin yung lalake.

“Ang ganda naman ng boses mo”

Tinitigan ko sya kasi parang pamilyar yung mukha nya.

“Tss ang sama naman ng titig mo sa akin. Wag kang mag-alala hindi ako nangangain. I’m Alexis”

Tapos inilahad nya yung kamay nya.

Hindi ko tinanggap pero kumaway ako.

“Hello Alexis kaya pala pamilyar ka eh ikaw yung kaibigan nung crush nung bestfriend ko.”

“Eh?”

Mukhang di nya na-gets ang gulo kasi nung sinabi ko eh.

“Ah wala. Ako nga pala si Zyrene”

“Oh Zyrene nice name huh”

Ngumiti ako tapos tiningnan ko sya. Naka-uniform sya at yung uniform nya eh yung sa all-boys school na pagpapasukan ko.

Teka di ba hindi pa nila uwian pero bakit nandito to?

“Hoy Alexis di ba may class ka pa wag mong sabihin na nag-ditch ka ng class mo? Ay nako bad influence ka pala baka mamaya drug pusher ka o kaya kidnapper at balak mo akong kidnapin o kaya baka naman oh my rapist ka!” ok napaka OA ko na.

“Psh ano ba naman nagsimula lang sa pag-ditch ng class tapos kung saan-saan na napunta. Saka hindi ako nagdi-ditch ng class mabait kaya ako at kaya ako hindi pumunta ng afternoon class namin kasi pinatawag ako ng parents ko”

Tiningnan ko sya mukha naman kapani-paniwala yung explanation nya.

“Eh bakit nandito ka?”

“Hinihintay ko kasi yung mgakaibigan ko na mag-uwian ikaw bakit ka nandito?”

“Ahh hinihintay ko yung bestfriend ko”

“Oh”

Pagkatapos nun natahimik na kaming dalawa. May mga tao na din dun sa park.

Biglang nag-ring yung cellphone ko.

*kringgggggggggggg! kringgggggggg!*

“Wait ah sasagutin ko lang.”

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon