CHAPTER LXVII. |LIVING UNDER THE SAME ROOF|

67.7K 664 23
                                    

CHAPTER LXVII

LIXIEN POV

Ang bigat. Ang bigat-bigat nitong maleta ko.

Hays, hindi man lang talaga ako tinulungan nung lalaking yun. Hmp. Tapos kagabi lang kung maka-claim siyang fiancé. Hmp, nakakainis talaga. Ang hirap talagang intindihin.

Dalawa pa namang maleta ito. Mamaya ko na lang babalikan yung isa.

Argh. Ang bigat talaga.

Ayan. Speaking of Clyde. Mukhang pababa siya ng hagdan. Tinapunan lang niya ako ng tingin at…. Dinaanan lang niya ko. Ang sama talaga.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbubuhat nito paakyat.

Maya-maya nasa gitna na ako ng hagdan ng may humablot ng maleta sa kamay ko.

Paglingon ko it’s Clyde dala na rin niya yung isa ko pang maleta.

“Tsk” rinig ko pang sabi ni Clyde.

Nauna na siyang umakyat. Bat ganun ang dali lang sa kanyang buhatin yung mga maleta. 

Sumunod naman kaagad ako sa kanya. Infairness ang ganda nitong bahay.

Nakita kong pumasok siya dun sa isang pinto. Tatlong kwarto lang naman ang nakikita ko dito sa taas.

Papasok na sana ako sa kwarto na pinasukan niya nang siya din namang paglabas niya.

Medyo nabunngo niya pa ko.

“Ayys” reklamo niya.

Then nagdiretso na siya papasok dun sa isang kwarto na katabi lang ng sakin. Medyo napangiti naman ako.

Ang liit naman ata nitong bahay at nagkakabungguan pa kami ni Clyde. Siguro kailangang magdagdag pa kami ng furniture para lalong sumikip? LOL

Nakakatuwa lang na isipin na magkasama kami pero parang ang awkward din. Si Tita ang hilig mag-setup.

Buti na lang hindi kami magkasama ng kwarto. Baka lalong hindi ko na alm ang gagawin.

Pumasok na ako sa loob nitong kwarto at awtomatikong napatakip ako ng bibig.

“Wow” Ang ganda naman. Mas maganda ‘to at di hamak na mas malaki sa kwarto ko sa bahay.

Pumunta ako sa kama at naupo. Ang lambot.

Nagpauli-uli ako sa loob at pinagbubuksan ang mga cabinet.

Nakakatuwa naman.

Nang matapos ko nang libutin ang buong kwarto napatingin naman ako sa tatlong pinto.

Ang dami namang pinto nitong kwarto.

Una ko munang binuksan ang pinto sa left side.

Ahh. Walk-in closet color kulay white at pink! Tapos may mga ilang damit na din. Waaahhh. I so love it. 

Sunod yung isang pinto.

Hala. Ang ganda ng banyo. Ang laki pati ng bathtub. Super like.

Then yung last na pinto naman ang binuksan ko.

Ilang Segundo din akong natulala bago nakaget-over.

Kwarto ni Clyde. Sheeet.

And then I saw him.

Half-naked. His back on mine. Y-Yung Muscle niya sa likod. Grabe. Sobrang nag-iinit yung mukha ko.

At medyo mababa na yung pantalon niya kasi nakikita ko na yung panloob niya. *calvin clein.  OMG!

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon