CHAPTER LXXXI. |WHAT HE REALLY FEELS|

64.2K 886 186
                                    

CHAPTER LXXXI

Malayo pa lang si Neil sa bahay nila ay natanaw na nito si Lixien na nasa labas ng Gate at nakatayo lang.

Nakasuot parin ito ng gown na suot nito kaninang magpunta ito sa party ni Troy.

Nakaramdam naman kaagad ito ng pag-aalala sa kapatid.

Agad ang pagpark niya sa harap nito at labas ng kotse.

Mukha namang nagising ito sa pagkakatulala.

Nang makita niya ang mukha nito ay namumula ang mga mata nito at halatang galing sa pag-iyak.

“What happened?” Tanong ni Neil at hawak kay Lixien.

Umiling lang naman ito.

“Why are you here outside? Sino naghatid sayo? Bakit di ka pa pumapasok sa loob ng bahay” Sunod-sunod na tanong dito ni Neil na bakas sa mukha ang pag-aalala.

Iling lang naman ulit ang naisagot ni Lixien. Pero may bigla na lang luhang pumatak sa mata nito pero agad din nitong pinahid iyun.

Niyakap naman kaagad ni Neil ang kapatid “Why are you acting like this? Tell me”

Kumalas naman si Lixien sa yakap nito. “Im fine Kuya. Kadadating ko lang din. May naiiisip lang ako” Sa paos nitong boses.  “Si Vince ang naghatid sakin.”

Tiningnan lang ni Neil ng mariin ito.

He exhale. “Let’s go inside. I want to tell you something”

Inakbayan naman nito palakad si Lixien.

Pagkapasok ng bahay ay naupo ang dalawa sa living room.

Mukha paring nag-aalala si Neil sa kapatid dahil mukhang malalim ang iniisip nito at nababahala rin siya sa pag-iyak nito kanina.

Nang nakuha siyang tingnan ng dalaga ay ngumiti ito ng pumilit “You want to tell me something right?”

Napatango naman si Neil. “Galing akong Hospital ngayon lang”

Agad ang pagkagulat ni Lixien “W-Why? Is something happen?” Kinakabahan nitong sabi.

Umiling naman si Neil na siyang ikinalma ni Lixien.

“Nagising na si Dad” Sabay ngiti nito.

“Really?! W-Why you didn’t tell me earlier? H-How is he? I want to see him!” Hindi magkaintindihan nitong sabi at akmang tatayo ng pigalan siya ni Neil at paupuing muli.

“He’s fine at sabi ng doctor ay stable na ang lagay niya and undergoing recovery na si Dad. Hindi ko na lang kaagad nasabi sayo. Psensiya na, masyado din akong nabigla.”

Tumango-tango naman si Lixien “Can I see him now?”

“I prefer that you’ll just visit him tomorrow. He’s already resting now” sagot ni Neil.

Napasimangot naman si Lixien. “But I want to see him now”

“Dad, tell me something” Neil at nagkatinginan naman ang dalawa.

“He said that…” Tumigil ito sandali at ipinokus ang tingin sa una “Walang kinalaman ang pag-uusap nila ni Clyde sa pagka-atake niya. He’s really not feeling well at that time but still he go to their meeting despite of his condition. And also he said that kasalanan din niya ang nagyari.” Mukha namang nakaramdam si Neil ng guilt “Dad also said that he’s looking forward on having a good conversation with Clyde and he sincerely said it”

Napapangiti naman si Neil “I’ve been wrong on treating him harsh that day.”

“Kuya, can you slap with me hard on my face” Anang walang kaemo-emosyong boses nito.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon