CHAPTER XVI. |THE DATE|

93.7K 1.2K 117
                                    

CHAPTER XVI

 

LIXIEN POV

“Budz, bilisan mo. Inaantay ka na ng Prince Charming mo! Hihi” sigaw ni Max sa baba.

“Magtigil ka nga Max. Ayys. Oo pababa na ko.”  Lixien.

Adik talaga si Max. Papunta na kami sa party at infairness naman kay Clyde nag-aantay sya sakin sa baba. Bago ako bumaba tumingin muna ulit ako sa salamin. Ako na ang nagmake-up sa sarili ko tutal maalam naman ako.

Kinuha ko ang pouch ko at bumaba na. Habang pababa ako nakikita ko na si Clyde sa sala. Mukha syang inip na inip na, nakatalikod sya sakin.

 “Clyde” tawag ko sa kanya.

“Bat ba ang tagal-tagal mo… kanina pa ko---“ pagharap nya para syang natigilan. At na-conscious naman ako sa tingin nya pero nag-iwas agad sya ng tingin.

“Let’s go”  Clyde. Nagdiretso na sya palabas, sumunod naman ako. Di man lang ako inalalayan. Hmp.

Pinagbuksan naman nya ko ng pinto ng kotse nya, pero hindi nya ko tinitingnan. Mukhang hindi ata maganda ang ayos ko. Tsk. Buong byahe wala kaming imikan hanggang makarating kami sa bahay nina Vince.

“Wow! Ito ba ang bahay nina Vince?” Manghang sabi ko.

 “Ano sa tingin mo. Psh” walang-kwenta niyang sagot.

“Hmp. Suplado”

Pumunta na kami dun sa may garden nila. Ang lawak. Ang daming bisita ng mommy ni Vince. At parang wala naman akong escort. Magkahiwalay kaming naglalakad ni Clyde papunta sa garden. Napaka-Ungentleman talaga ng Date ko, este’ Partner pala. 

“Clyde” tawag ni Vince dito.

“Budz!” tinatawag kami nina Max. Nagpunta naman kami sa kanila.

“Hoy Pare. Parang wala kang date ah. Ni hindi mo man lang inalalayan ang kadate mo” Von

“Psh. Hindi na nya kailangan yun.” Napasimagot naman ako sa sagot nya. Dapat pala naging si Von na lang kapartner ko.

May kanya-kanya namang partner yung tatlo. Syempre si Vince at si Max.

“Oy. Wag ka ngang sumimangot dyan” Si Clyde.

Inirapan ko naman sya.

“You’re beautiful” si Von

"Thank you" I smile

“Psh” Clyde

 “Tara na nga sa table natin” Vince.

Naupo na kami. By partner syempre ang magkakatabi. Tapos todo huntahan sila with their partner at syempre ako loner, hindi man lang ako iniimikan ni Clyde.

Nang lingunin ko naman sya “Bakit?” nahuli ko kasi syang nakatingin sakin. Nag-iwas naman siya ng tingin. 

“Anong bakit?” tanong niya pabalik.

“Bakit mo ko -----

“Hindi kita tinitingnan!”

“Ang defensive mo” sarkastiko kong sagot dito.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon