CHAPTER LIV. |HIS NEW FOUND... FRIEND?!|

68.3K 594 44
                                    

CHAPTER LIV

HER POV

Nasan na kaya yun.

Nagikot-ikot ako sa Bar, hindi ko siya makita. Nakita ko naman si Yvo, pero di pa niya kasama sina Vince, wala naman din dun yung lalaking yun.

Lumabas ako ng Bar, baka dun ko makita yung lalaking yun.

“EHEM” pag-gambala ko sa kanila.

Eerr. He’s flirting with a girl again. Sarap talagang batukan ng lalaking ‘to. May bago na naman siyang nilalandi. Tsk.

Napatingin naman sakin si Clyde and then he smirk. “Oh, Shaleen. Psh. Istorbo ka talagang babae ka”

Lumapit siya sakin at ibebeso pa sana ako. “Hep. Hep. Wag kang lalapit sakin, may virus ka.”

Pinitik naman niya ko sa noo. “Arte mo”

“Eheeem, Babe?” tawag nung babaeng kalampungan niya kanina.

Lumapit naman siya dun sa girl at mukhang may ibinulong. Ngingiti-ngiti lang naman si Girl matapos at umalis na. Haays.

"Psh" Sabay baling naman nito sakin “Buti nakarating ka” sabay akbay.

“Syempre, Birthday mo eh. Tsk. Naku, kung hindi lang talaga kita mahal hindi ako pupunta” biro ko sa kanya.Wew. Totoo yun. Haha.

 Nginiwian naman niya ko.

“Amoy babae ka” tulak ko sa kanya ng makapasok na kami ng Bar.

“Hindi mo  na ba ako mahal nyan” sagot niya sakin.

“Di mo ko madadaan sa ganyan” At nagdiretso na ako papasok, kita ko naman na sumunod din siya sakin.

Nang tumingin uli ako sa gawi ni Yvo, nandun na pala sina Vince kaya agad akong lumapit sa kanila.

“Hello guys!” ako.

Agad din naman nila akong napansin. “Oh, Shaleen. Lika, dito ka na din maupo” Yaya sakin ni Maxine. Sus. Kasama pala niya ang fiancé niya. Hmp. Alam ko naman na hindi ako feel ng fiancé niya. Ewan ko lang dun.

Dun na lang ako naupo sa tabi ni Von. ”Dito na lang ako Maxine, mukhang sikip na diyan eh” paliwanag ko. Alam naman din ni Maxine na hindi kami ok nung fiancé niya.

“Oh, ayan na  pala si Clyde” Turo ni Yvo sa papalapit na si Clyde.

“Hay naku. Sinundo ko pa yan sa labas.” Nagtinginan naman sila sakin. “And asual may kasama na naman dung babae.”

Nagpailing-iling na lang sina Vince. Sus, sanay na din sila diyan kay Clyde. Isang taon na siyang ganyan.

“Buti nakikinig yan sayo” Von.

“Kami na kaya!” Agad naman silang napatingin sakin. Natawa na lang ako.

“Sinong kami na?” Bungad ni Clyde. At naupo naman ito sa tabi ko.

“Hindi pa ba tayo Clyde? Akala ko kasi tayo na” lingon ko sa kanya.

“Gusto mo ba?” ganting titig niya sakin.

“Pwede ba?”

He suddenly cupped my face.

“Saka na lang pag hindi ka na flirt” Sabay tabig ko sa kamay niya. At umismid dito.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon