CHAPTER XXX. |OH CLYDE!|

84.7K 1K 71
                                    

CHAPTER XXX

LIXIEN POV

“Pasok kayo!” Yaya ko sa kanila sa loob.

“Hhmmm.. Nice house” Vince. Tapos mga nagsipag-upo na sila sa sofa.

Lumabas naman si Yaya galing kusina “Oh mga hija nakarating na pala kayo..” Napatingin naman sya kina Von na nagdadag-anan pa. Ang gugulo. Feel at home agad. Si Clyde naman pinagbababato ng unan yung apat.

 Natawa naman si Maxine sa mga ito.

“Ahm. Yaya. Wag nyo nang sabihin kina Mommy ito ahh. Kahit pati na din kay Kuya. Dito lang sila magla-lunch atsaka madali lang naman sila dito” ako.

“Atsaka nga pala Yaya… PASOK KAMI SA AUDITION!!” Max exclaimed excitedly.

“Naku! Ang gagaling talaga ng mga alaga ko“ Tapos niyakap-yakap pa kami ni Yaya. Proud mom lang.

“Aray.. Umalis nga kayo dyan… Ang bigat!.” Si Von, sya kasi yung dinadaganan nung tatlo. Ang gugulo nila.

“EHEM!” si Max. “At home na at-home kayo ahh”

Nagsipag-ayos na naman sila.

“Mga hijo ano bang mga pangalan nyo?” tanong ni Yaya.

“Ako po si Vince!” sabay taas pa nito ng kamay.

“Von po” sabay stretching nito sa braso.

“Ako naman po si Xien” Sabay ayos naman nito ng buhok.

“Ako po ang pinakagwapo, Yvo”  Sabay pogi sign pa nito.

 Napatingin naman si Yaya kay Clyde.

“Clyde” Habang pinapaikot-ikot yung unan sa kamay niya.

“Ahh.. Ikaw pala Hijo yung nagpadala ng bulaklak kagabi. Ikaw pala ang manliligaw ng alaga ko” humagikhik pa si Yaya.

Wala man lang reaksyon si Clyde.

Hindi na lang pinansin ni Yaya. “Oh sya, parito na kayo sa kusina mga Hijo. Alam kong mga gutom na kayo” 

Tumayo na naman si Von “Grabe iba na talaga ang ihip ng hangin ngayon… hoooo..” nakakaloko pa yung ngiti nya.

Nagsitayuan na din yung iba.

 “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig” Xien sabay akbay kay Von. Bigla namang may tumama sa ulo nitong unan. “Ouch” sabay tingin nito kay Clyde.

Nagtawanan naman sina VInce.

“Sige… magbibihis lang kami ni Max. Mauna na kayo sa Dining” Then umakyat na kami para magbihis.

  

Nang matapos na kaming kumain. Ang lalakas ngang kumain nung Lima… Grabe.Kaya ang lalaking tao eh.

Dun na muna kami tumambay sa garden. Maaliwalas kasi dun. Dun namin paboritong tumambay ni Max.

Kanya-kanya nang huntahan at asaran lalo na yung tatlo nina Von, Xien at Yvo. Hindi na tumigil yung tatlo,ang madalas pa nilang topic ang babastos, masyadong censored, minsan naman puro tungkul sa mga riot ng gang. Wala silang usapang matino.

Sina Max at Vince naman may sariling mundo.

Tapos may naramdaman akong tumutusok sa pisngi ko. Si Clyde nagpapapannsin.

“What?” ako.

“Now what?” siya

“Wag mo akong kausapin kung wala kang maisip na sabihin” Pagtataray ko.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon