CHAPTER XXXIV. |YOU ARE MINE|

85.9K 1K 70
                                    

CHAPTER XXXIV 

VINCE POV

Ang aga-aga ang ingay!

“Master, may mga reporter po sa labas gusto daw po kayong makausap…”

“Master, may mga tumatawag po sa telepono, mga talent coordinator daw po sila hinahanap po kayo”

“Master nagwawala na po yung mga reporter sa lab-------

“FCK! WILL YOU GUYS STOP! ARGH!!!”

Lintek. Nakakarindi na. Dahil ang lahat ng ito ni Clyde. Kanina pa akong kinukulit ng tawag sa telepono pagkagising ko pa lang pati mga reporter pinaghahanap ako malamang hindi lang ako ang numomroblema pati yung apat ganun din. Pero anak ng teteng naman oh! Anong bang akala nila gusto namin mag-artista. Tss. NO WAY!

Laking kahihiyan. Kami pa naman ang kinikilalang Gang tapos kagabi lang mukha kaming ewan at nagsisikanta sa concert nung James na yun. Tss. Kung hindi nga lang kay Clyde. Maka-alis na nga lang sa bahay na ‘to. Dun na lang ako sa backgate dadaan.

“Vince Hijo…” Tawag  sakin ng Mayordoma namin. “Aba, nasa  balalita ka ngayon kasama yung iba mong mga kaibigan… ang gagaling nyo pa lang magsikanta.” Tutuwa-tuwang sabi nito.

Putek talaga. Humanda ka sakin Clyde.

Nagdiretso na ako sa hideout. Tumawag ako kina Clyde wala daw ito sa kanila pihado nandun yun sa hideout.  Pagkapasok ko nandito din pala sina Von at Yvo… oh pati pala si Xien nandito din. Wala lang ditto si Clyde. Nasan naman kaya yun.

Si Yvo busy sa pagbabasa ng dyaryo. Si Von nagp-Psp. Si Xien naglalaro ng billiards mag-isa.

“Hoy! Bakit ang aaga nyo dito?” ako. Hindi man lang kasi ko pinansin nang dumating ako.

“Paki mo!” Yvo. “Pati pala sa dyaryo tayo ang headline oh… haha. Sikat na talaga tayo.” Bakit ba tuwang-tuwa pa tong isang ‘to.

Mukhang ding nainis si Von sa sinabi nito. “Natuwa ka pa talaga ng lagay na yan.Tsk. Umalis na nga  ako sa bahay dahil sa ingay… Tss. Biruin nyo tuwang-tuwa pa ang magaling kong ina sa nangyari mukhang gusto pa nga atang magpahanda eh. Tss”” 

“Sa bahay naman hindi na magkaintindihan ang mga katulong sa pagsagot ng telepono… may mga reporter na nga din. Lagot ako kay Dad nito.” Xien.

“Psh parehas lang tayo pare” ako.

“Ang aarte nang mga ‘to. Ayaw nyo nun SIKAT!” Yvo.

“Tangina Yvo hindi mo ba naiintindihan kilala ang gang natin tapos ano?’  makikita tayo ng mga nakakakilala satin na nagpe-perform sa stage?! The hell. Asan na ba ang Clyde na yun sya dapat umayos nito” Pihado isang tawag lang ni Clyde sa butler nya linis na agad ang lahat ng ‘to.

“Anong ginagawa nyo dito?” Napatingin naman kami sa pinto. Buti naman dumating na ang hari.

“Hoy Clyde! Alam mo na naman siguro kung anong nangyari simula nang pinilit-pilit  mo kaming pakanta------

“Psh. Oo na.Naitawag ko na kay Butler Shin. Tsk.”

Ang bilis talaga umaksyon ni Clyde. Pero aba teka ibang-iba ang aura ngayon ni Clyde ahh!

“Ano pare napasagot mo na ba si Lixien? Kayo na ba?” Tanong ko kay Clyde.

Bigla naman tong natigilan ”Oo nga pala”. Mahinang pagkakasabi nito.

Kinuha naman nya ang cellphone nya at may tinawagan.

Nakipag-usap naman si Clyde sa telepono na bihira nyang gawin at kaming apat nakikinig lang sa usapan. Chismoso eh

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon