CHAPTER XXXV. |IM PISSED|

83.6K 915 63
                                    

CHAPTER XXXV

VON POV

Argh. Ang sakit pa ng ulo ko. Lintek. May Hang-over pa. Si Clyde naman ang aga-aga nagyaya na kaagad dito sa school.

Pagkatapos ng Gang Fight namin kagabi nagkayayaan mag-inom syempre ipagdidiwang ang pagkakaroon ng lablayp ni pinuno. Haha. At himala dahil pumayag si Clyde sa condo nya kami mag-inum. Mukhang good mood na good mood ang loko.

Kaya e’to kami ngayon parang mga zombie na naglalakad sa school, mga bangag.

LIXIEN POV

May pasok na naman. Naglalakad na kami ni Max pa-school. Hays, nung andito pa si Troy laging sya ang naghahatid at sumusundo samin. Ay oo nga pala speaking of Troy.

“Max, tumawag nga pala si Troy sakin nung isang araw!”

Nagulat naman sya “ANOOO! Anong sabi? Yung Nerdo na yun ndi man lang ako matawagan! Hmp.”

“Eh ano kasi bigla na lang naputol yung pag-uusap namin” gawa ni Yam. Napangiti naman ako.

“Ganun. Mukhang busy yung Nerdo na yun ahh… 3 weeks na din simula nang umalis sya. Hindi man lang makatawag ” maktol ni Max.

Sabi ni Troy bago sya umalis tatawag daw syang madalas pero hindi naman.Hmp.

Nakaratingg na kami ng school. Buti hindi kami late. Maganda kasi yung tulog ko. Haha.

“Budz, Sina Vince oh! Ang aaga nila ahh.” Turo ni Max kina Vince na naglalakad sa corridor.

Ang co-cool nila. Agaw pansin talaga. Si Clyde ang nauunang maglakad tapos kasunod nya sina Von at Vince tapos sa likod ng dalawa sina Yvo at Xien. May mga dala silang Coffee. Ang seseryoso.

“YAM!” tawag ko.

Tumingin naman agad si Clyde sabay ngiti. Lumapit naman sila samin.

“Gudmorning Yam” Clyde. Sabay akbay sakin.

Yung mukha nina Vince. Priceless.

“YAM?” sabay-sabay pa sila.

“Why what’s wrong?” Clyde. Sabay tingin nito ng masama kina Vince.

“Endearment, eh?” Vince. Tapos medyo mga nagsipagngiti pa sila.

“Psh.” Clyde. Tapos nagdiretso na syang maglakad papunta sa building namin at dahil naka-akbay sya sakin kaya hila-hila  nya ako palakad. Sumunod naman samin yung lima.

Magkakasabay na kaming sumakay sa elevator papuntang 3rd floor.

“EHEM! Guys. Naknak!” Yvo.

Nagsipagtinginan naman kami sa kanya. Walang may gustong sumagot.

“Hoy. Ano ba Naknak nga eh.” Pangungulit pa ni Yvo.

Bigla namang tumawa si Max. “Sige. Who’s there?” Ayan sinakyan na niya ang kalokohan ni Yvo.

Ngumisi muna si Yvo bago nagsalita. “YAM”

Tumingin naman si Clyde kay Yvo ng may pagbabanta. Haha.

“Katuwaan lang Clyde” Tapos bumaling si Yvo sakin “Lixien” sabay turo kay Clyde. Napailing na lang ako.

“Yam Who?” Max.

Lahat kami nakatingin kay Yvo at inaantay ang sasabihin nya.

Tumikhim muna ito “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siYAM, YAMpo” Tapos tumawa na siya ng tumawa.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon