CHAPTER LXXVII. |TURNING BACK|

61.6K 697 92
                                    

CHAPTER LXXVII

LIXIEN POV

Hindi parin nagigising si Daddy ang sabi ng mga doctor ligtas na naman daw siya sa kapahamakan pero wala pang kasiguraduhan kung kailan ito magkakamalay.

“Budz, Tulungan na kita diyan” Lapit sakin ni Max. Kasama siya ni Kuya dumating sa Hospital kahapon at hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi sa kanila. Umuwi muna kaming tatlo sa bahay nina Kuya para kumuha ng ilang mga gamit ni Dad.

Nasabi ko na din sa kanila pati kay Mommy kung anong nangyari kay Dad kung bakit siya isinugod sa Ospital at sino ang nagsugod sa kanya. They blame all of this to Clyde, No ‘we’ blame Clyde.

Hanggang ngayon galit parin ako sa kanya. Sobrang takot ang naramdaman ko ng malaman kong Kritikal ang lagay ni Dad. Akala ko atleast mababago ang pakikitungo niya kay Dad nung binalaan ko na siya sa kalagayan nito pero he make it his condition worst! I don’t know anymore. Sobrang halaga sakin nina Daddy kung may mawala man sa kanila baka hindi ko kayanin.

“Uhm Budz, you’re Idling” Max

“A-Ahm. A-Ako na dito Max. Ahm, sorry ahh nakaistorbo pa ito sa Pagbabakasyon nyo ni Kuya”

Bigla namang namula si Max sabay mukhang nailang. “Budz! How dare you to say that. Atsaka bakit ka nagso-sorry. Aish. Halika, tulungan na kita diyan”

Sabay kaming napatingin ni Max sa pinto nang may nag-doorbell.

“Ako na ang mag-aakyat nito sa taas. Ikaw na lang Max ang tumingin kung sino man yun.” Ako.

Tumango naman ito at nagtungo na sa pinto.

THIRD PERSON POV

Pagkabukas ni Maxine ng gate.

“C-Clyde!” Nagulat ito pero napalitan kaagad ng galit ang ekpresyon nito. “Bakit ka nandito”

Matagal namang napatitig dito si Clyde sabay ngiti nito ng mapait “Galit ka din ba sakin?”

“Clyde, sinabi na samin ni Budz kung anong nangyari kay Tito… at… well… are you not aware of his condition?!”

“I’am” agad na sagot nito.

Sasagot pa sana si Maxine ng…

“Who’s that?” Boses ni Neil na papalapit sa kinaroroonan ni Maxine.

Agad naman ang pagharap dito ni Maxine at pagharang dito “N-Neil…”

Pero bago pa maharangan ni Maxine ito ay nakita na ni Neil si Clyde.

Mabilis na nakalapit si Neil kay Clyde at binigyan ito ng isang malakas ng suntok pagkatapos ay kinuwelyuhan ito. Galit na galit nitong tiningnan ito “DAMN YOU CLYDE! Anong ginawa mo kay Dad?! Huh!”

Napatungo naman sa tanong nito si Clyde “Hindi ko sinasadya Neil”

Napamura naman dito si Neil “Pinalampas ko dati ang ginawa mo kay Dad! Pero hindi ko na mapapalampas pa ito! Muntik mo na siyang mapatay!” Clyde flinched.

“Neil tama na! Let him go!” awat ni Maxine dito.

Pero hindi pa din bitawan ni Neil ang kwelyo ng polo ni Clyde. Akmang susuntukin ulit nito ulit si Clyde nang dumating si Lixien.

“KUYA!” Lixien. Lumapit ito sa mga ito, nuon lang binitawan ni Neil si Clyde. “I’m going to talk to him” Lixien na diretsong nakatingin sa kapatid nito.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon