CHAPTER XXVI. |THE WHO?|

86.9K 1K 60
                                    

CHAPTER XXVI

MAXINE POV

Lumabas ako ng kwarto ko .. Asan na kaya si Budz, maggagabi na ahh.

Tinanung ko si Yaya at aba kanina pa palang nakarating si Budz hindi man lang ako kinatok sa kwarto ko.

 Pinuntahan ko nga sa kwarto nya.

“Budz… open the door” Ang tagal namang buksan.

After ilang minutes ng pagkatok binuksan din nya.

Mukhang kagigising lang nya. 

“Kamusta ang date?” ako. Napapadalas naman kasi ang pagalis nila ni Clyde.

“Huh? Anong date?” Nakahiga na ulit sya sa kama nya. Naupo naman ako sa tabi nya.

“Hay naku, mag-share ka nga kamusta na ba kayo ni Clyde?”

Pagkabanggit ko ng pangalan ni Clyde napangiti naman si Budz. ‘Jusko mukhang kinikilig pa ata ang bestfriend ko.

“Aminin mo nga, kayo na ba?”

Nagulat naman sya sa tanung ko “Huh? Ni hindi pa nga sya nanliligaw!” sagot nya.

“Shet. Eh di gusto mong manligaw sya sayo?”

“H-hindi yun ang ibig kong sabihin!” bigla namang namula si Budz. Haha.

“Deny ka pa talaga Budz So may pag-asa talaga si Clyde sayo”

“Ewan ko sayo Max. Lumabas ka na nga. Gusto ko pang matulog.” Aba’t ipinagtabuyan talaga ako sa pinto. Hmp. Ayaw pa talaga aminin ni Budz. Luma-lovelife na ang bestfriend ko ahh. Haha.

LIXIEN POV

Nasa school na naman kami at Back to normal na ulit. Tinanggal na yung mga rules na pinatupad nina Yvo. Pero si Clyde hindi parin bmabalik sa normal.

“What do you want to eat?” Tanong ni Clyde sakin.

Nasa canteen kami at bumibili ng lunch. Si Clyde simula nang dumating kaninang umaga  hindi na humiwalay sakin. Miski mapaipod lang ng konti yung inuupuan kong chair sa room ididikit nya agad yung silya nya. Hindi uso sa kanya ang space. Kaya naman wiling-wili ang mga kaklase namin sa panonood at pagpicture samin.

“Ahm… Rice at Beefstake na lang” ilang kong sabi. Ang dikit nya kasi. Kung dati kasya ang dalawang tao sa pagitan namin ngayon hindi. Ayaw nya talaga sa space.

“Ang sakin Clyde Pasta”  Xien

 “Tempura na lang ang sakin” Vince

“Ako Carbonara” Von

“Sakin Clyde.. Kape na lang.. Yung konti lang ang sugar” Yvo

Prenteng-prenteng sabi nung apat. Tapos parang nag-iba yung aura ni Clyde. “Pardon?!” He hissed.

“Oy Clyde! Bakit?... Ah-eh saglit lang ah oorder lang akong pagkain ko” palusot ni Vince. Tapos tumayo na ito.

“Ako din.. nakakagutom!” Von. At sumunod na kay Vince.

 “Ah- Bibili na din ako ng sakin” Xien na dali-daling umalis.

Then naiwan si Yvo.

“Do you want me to add poison on your coffe?” Clyde kay Yvo.

Tumayo naman si Yvo na parang walang napakinig “Oh, nasan na yung tatlo.. Pambihira magtitimpla pa nga pala ako ng kape ko”

Bago ito umalis may pahabol pa ito. “Ahm Lixien matabang ba yang juice na iniinom mo?” Si Yvo, Turo nya dun sa juice na binili ko kanina pagkapasok ko ng canteen.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon