CHAPTER LXXIX. |HER PRESS CONFERENCE|

62.7K 712 68
                                    

CHAPTER LXXIX

Pagkapasok ni Troy sa Café ay nakita kaagad niya si Maxine.

“Maria” Nakangiting bati nito sa dalaga.

“Troy” Maxine. Tumayo ito at niyakap si Troy.

“So, Buti naman naisip mo pa akong kontakin” Pabirong sabi ni Maxine pagkaupo nila.

Natawa naman dito si Troy. “Actually Maria, may kailangan ako sayo”

Siya namang paghaba ng nguso ni Maxine. “Yah!” Sabay hampas nito kay Troy sa braso.

“H-hey! Ang bigat parin talaga ng kamay mo” Natatawang sabi nito. “Nami-miss din kita kaya gusto kitang makita”

“Sinasabi mo lang yan eh!” Sabay sipa nito kay Troy sa ilalim ng mesa.

Napahiyaw naman si Troy sabay sapo sa binti nito dahilan para mapatingin sa kanila ang ibang customer.

Naningkit naman ang mata ni Troy sabay tingin kay Maxine.  “Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita” in his mocking voice.

Sabay tawa naman dito si Maxine. “Na-miss din kita Troy” sabay ngisi pa nito. “Ano bang kailangan mo?” 

Umayos na ng upo si Troy at inilagay ang dalawang braso sa mesa. “May problema ba sina Lixien at Clyde?” diretso nitong tanong.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Maxine. “Nasa hospital ang Dad ni Budz dahil kay Clyde” 

“What?! Anong nangyari” Gulat na sabi ni Troy.

“Mukhang may nasabi daw si Clyde sa meeting nila ni Tito na hindi maganda kaya naman inatake ito” Maxine.

“Tsk. Kelan pa ‘to nangyari?” Troy.

“2 days ago” sagot agad ni Maxine.

Sandaling napaisip si Troy “And then?” 

Napa-angat naman ng kilay si Maxine. “What then?”

“Anong nangyari sa kanila pagtapos ng insedenteng iyun?”

Napatungo si Maxine sa sagot nito “Walang sinasabi sakin si Budz pero base sa mga ikinikilos nito… I think they broke up”

Napahampas naman ng malakas sa mesa si Troy. “Tsk. Ayys” Nafu-frustrate nitong sabi.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa dalawa. 

“Lixien called me one day ago she’s saying about her press conference?”

Mukhang namang napaisip si Maxine. “Mukhang guysto niyang linawin ang lahat sa media” 

Nagpatango-tango naman dito si Troy.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Troy at nasapo nito ang ulo. “When is this?”

“Ngayong araw na ito, mamaya lang ay mag-start na ito” 

Isang nakakasilaw na flash ng mga kamera ang sumalubong kina Lixien pagdating nila sa Conference room, kasama nito ang kapatid na si Neil na humarap sa Press.

Pagkaupo nila ay agad silang dinumog ng mga ito.

Halos hindi magkamayaw ang mga ito sa pagtatanong sa kanila.

Itinaas ni Neil ang kamay para kuhanin ang atensiyon ng mga ito “People please calm down. There’s no need to rush. Sasagutin namin lahat ng katanungan niyo” With that ay nagsipag-ayos naman ang mga ito. 

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon