Chapter 13: Bwisit ka talaga!

59.2K 1.2K 68
                                    

Chapter 13: Bwisit ka talaga!

“Mag-cr lang ako,ah! Huwag kang aalis!” Lasing na siya pero ayaw pa rin niyang umuwi. Gumigewang-gewang na nga rinn siya. Ang problema ko lang ay kung paano ko siya ihahatid sa bahay nila? Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira.

“Hoy!” Sigurado akong nakikilala ko ang boses sa kabila ng ingay dito sa loob. Tumingala ako para makita ang lalaking nakatayo ngayon sa gilid ko.

I knew it.

“Erick.” Kako saka muling umupo ng maayos. “What are you doing here?”

“What are you doing here?” Balik niya sa tanong ko habang nakangiti siya. “Hindi ko inaasahan na makikita kita dito.” Sumimangot lang ako dahil sa sinabi niya. Siya ang huling taong inaasahan ko na nandito ngayon.

“Umupo ka. Nakakangawit tumingala.” Sabi ko pa at mas lalo ko pa siyang sinimangutan. “Akala ko ba umalis ka? Sana hindi ka na bumalik.”

“Sus!” Umupo siya sa tabi ko at inakbayan pa niya ako saka muling nagsalita na para bang nanlalambing. “Nagalit naman kaagad ang JL ko. Iniisip ko pa lang na kasama mo ‘yung baduy na ‘yon naiinis na ako. Hindi ka pwedeng maiwan mag-isang kasama ng taong ‘yon. Paalisin mo siya sainyo.”

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saakin. “Duh! As if naman totoo ‘yang sinasabi mo.”

“Umamin ka!” Iniharap niya ako sakanya at hinawakan ang magkabila kong balikat. “Gusto mo siyang kasama, ano?”

“Like what the hell? Are you freaking out of your mind? Nakainom ka ba?” Inilapit ko pa ang mukha ko sakanya at inamoy kung uminom ba siya.

Lumayo siya saakin dahil nagulat siya sa naging action ko kaya naman napangiti ako bigla. “Kung umasta ka parang momolestiyahin kita, ah! Pareho kayo ni Damian.” Sabi ko pa habang tumatawa pero hindi man lang nagbago ang hitsura niya. Mas naging seryoso pa nga ito kumpara kanina.

“What?” Tanong ko.

“Nilalapitan mo ‘yung exotic na ‘yun? Lagi mo bang inilalapit ang mukha mo sakanya?”

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon