Chapter 20: Pain Pain Go Away?

55.5K 1.2K 139
                                    

Chapter 20: Pain Pain Go Away?

 

Nabasa ako sa ulan kanina dahil saktong paglabas ko ng coffee shop ay umulan. At dahil medyo pakialamero at buntot nang buntot saakin si Damian, pati siya ngayon ay basa na rin.

“Dapat hindi ka na sumunod. Naulanan ka pa tuloy.” Sermon ko sakanya nang nasa elevator na kami para umakyat sa kanya-kanya naming kwarto.

“Gee!” Natigilan ako dahil naalala ko ang card key. Na kay Leonna pa ang card key at nasa bar pa rin siya hanggang ngayon. “Dala mo card key mo?” Tanong ko kay Damian.

“Oo. Bakit?”

“Hindi ko dala ‘yung saakin.” Naiwan ko kasi yung sa akin sa kwarto. “Puntahan ko lang si Leo.”

“Doon ka muna sa kwarto namin. Nasa bar pa naman sila. Baka magkasakit ka kung hindi ka makapagbihis kaagad.”

“Okay.” Sagot ko nalang. Hindi naman pwedeng maging choosy pa ako. Giniginaw na rin ako dahil masyadong malamig dito sa hotel at saka baka makita ko nanaman si Jake at ang girlfriend niya.

Mas mataas sila ng dalawang palapag. Hindi rin ganoon kalaki ang hotel room nila kumpara ng saamin ni Leonna. Pero pwede na.

“Oh! Gamitin mo muna ‘tong damit ko.” Inihagis niya yung T-shirt at short na halatang pantulog niya. Nakita ko na kasing ginamit niya ito sa bahay noon. Lumabas din siya ng kwarto pagkatapos. Hindi ba siya magbibihis? Basa rin naman siya. Bahala nga siya sa buhay niya.

Inilapag ko ang damit niya at saka naghanap ako ng sabon sa bag niya. Ayaw ko kasi ng mga sabon sa hotel. Ayaw ko rin ng shampoo nila kaya nangalkal ako sa gamit niya bago pumasok sa CR.

Sandali lang ako nagshower and nakatapis lang na lumabas dahil naiwan ko ang damit na binigay saakin kanina ni Damian pero saktong pagkuha ko ng damit ay siya namang pagbabalik ni Damian. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha niya at pag-iwas ng tingin. Agad din naman siyang tumalikod.

“S-sorry. H-Hindi ko sinasadya.” Aniya pero imbes na magalit ako ay natawa nalang ako. Nautal siya at nag-iwas ng tingin? Kung sabagay lahat naman siguro ay mahihiyang makakita ng babaeng naka-towel lang. Masyado naman kasing malaki saakin ang bathrobe.

Kapag hindi siya nag-iwas ng tingin saakin mamayang nakapagbihis na ako, malamang ay naiilang siyang nagsusuot ako ng maiiksing damit. Perv talaga.

Sana kasi ay sinabi nalang niya kaagad para hindi na ako nagsusuot ng mga ganun sa bahay.

Paglabas ko ng CR ay tumingin naman siya saakin nang panandalian bago ibinaling sa iba ang mga titig niya.

“Hindi ka maliligo?” Tanong ko sakanya. “Baka magkasakit ka.” Sabi ko pa habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang towel.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon