CHAPTER 45: FLASHBACK

47.6K 1.1K 87
                                    

CHAPTER 45: FLASHBACK

 

MONTH: DECEMBER

 

"Uuwi rin tayo kaagad, diba?" Tumango si D bilang sagot sa katanungan ko. Dapat lang na umuwi kami kaagad dahil hindi ko naman nasabi kay lola na aalis ako. Baka hanapin nanaman niya ako at mag-alala siya.

"Oo, bukas makalawa uuwi na tayo."

"Wait? That long?"

"Minsan lang naman tayo magkaroon ng break. Sulitin na kasi. Yung walang estudyante, walang school." Katwiran pa niya.

"Two rooms then."

"Okay." Nakangiti naman niyang sagot. "But beside each other."

"Walang problema sa akin." I said shrugging my shoulders.  "Pero huwag kang papasok sa kwarto ko."

"Okay okay." Nakangiti nitong sagot sa akin. Subukan lang niyang pumasok sa kwarto ko at mapuputol ang dapat maputol!

Nagcheck-in kami at pagkatapos ay naglibot kami sa lugar. Kahit December pa ngayon ay marami pa ring nagpupunta dito sa beach resort na ito. Couples, families, etc..

"Kailan lang noong naging tayo tapos nagyaya ka na kaagad sa beach. Ano nalang iisipin ng lola ko sa akin?"

"Ayos lang 'yun. 24 ka na rin naman. Saka ipinagpaalam kita kay lola."

"talaga? Hindi ba nagalit?"

"Natural nagalit. Ayaw niya sa akin para sa 'yo, e." Pasimple nitong hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Hindi na ako umangal kasi wala namang mawawala sa akin kung hawakan man niya ang kamay ko. Hindi malambot ang kamay niya pero mainit ito. Mahahaba rin ang daliri niya kaya naman parang nanliit ako bigla.

Itinaas niya ang kamay ko at tinitigan ito.

"Parang may kulang?" Tinignan ko ang kamay naming magkahawak. Wala namang kulang. "Tanda mo pa ba 'yung lagi mong suot na bracelet noon?"

"Bracelet?" Napaisip ako nang maigi kung ano ang tinutukoy niya. Simula noong bumalik ako ay wala naman akong suot na bracelet. "But I don't have one."

"Even before?" I pulled my hands from his and crossed my arms. Well, I owned a bracelet before. "Nevermind. Hindi ka ba magus-swimming?"

Masama ko siyang tinignan dahil sa tanong niya. Kung makapagtanong kasi parang may masamang balak. Oh JL! Bakit ba kasi sumama ka kung alam mong hindi safe na makasama siya?

"Hindi!" Pinandilatan ko siya pero tinawanan lang niya ako.

"Magsu-swimming ako."

"Edi go."

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon