Chapter 47: Party

42.5K 1.2K 95
                                    

Chapter 47

Party

 

"Pwede bang palitan mo 'yang damit mo?"

"D, you're not supposed to be here anyway."

"But that's literally a fuck-me-heels!" Turo nito sa heels ko. "Paano kung madapa ka? And your dress, kung lamigin ka?"

"Fine! I'll change my heels but not my dress." Pilit ko dahil bumili talaga ako ng damit para sa birthday ni Cole dahil balita ko ay big celebration iyon. Hindi lang siya basta birthday party dahil may mga businessman din na pupunta. "And by the way Damian, hindi naman ako mang-aakit dahil sa heels na 'to." Inirapan ko pa siya bago ko tinanggal ang heels ko.

"Ano 'yun? Ako lang yung naakit, ganun? Parepareho lang kami. Saka bakit ka naman magpapaganda doon? Kung makita ka ni Cole?"

"Duh. Hindi rin. Edi sana si Jake na lang ang inakit ko."

"Stop rolling your eyes."

"Gee!" Ibinato ko ang unan na nakuha ko sa kama sa kanya. "Then stop nagging. I hate it because it's making me hate you." Inabot sa akin ni D ang pares ng sapatos.

"Ganyan dapat ang isinusuot mo. Kumportable at iwas sa pangaib." Napangiti ako nang isinuot niya sa akin ang sapatos ko. "Now, change your dress. Huwag kang magbackless. Buntis ka at isa pa, baka magkasakit yung baby."

"OA ka, ah. Pwedeng ako muna yung magkasakit bago yung maliit na nilalang sa loob ng tyan ko?" Tumayo ako at naghanap ng ibang maisusuot sa closet ko. Gee. I can't believe this! Bakit ba ako nagpapaka-under sa kanya? It should be the other way around!

"Gaun din yun kapag may sakit ka, may sakit din siya."

Humalukipkip ako at hinarap ang nakakabwisit niyang mukha plus nakakabwisit na color combination ng damit niya ngayon. Kahapon ko siya gustong makitang baduy! Not now.

"D, sasama ka ba talaga?"

"Oo naman. Invited din naman ako."

"Edi magbihis ka." Itinutulak ko siya palabas ng kwarto ko while chanting "alis". I'll look for another dress na lang kaysa mainis nang tuluyan sa kanya. Hindi naman siya 'yung tipong over-protective talaga pero iintindihin ko nalang siya ngayon dahil alam kong ginagawa niya 'yun dahil buntis ako at ipinagdadala ko ang anak niya.

"Jeling! I'll be back! Wait for me, okay?" Rinig kong sabi niya mula sa labas ng kwaro ko. "Magbibihis lang ako. Don't go without me."

"English pa. Di mo naman bagay ngayon dahil sa suot mo." Bulong ko nalang sa sarili ko. "Bilisan mo kung hindi iiwanan kita!" Sigaw ko pa bago ko kinuha ang isang pink dress na tiyak ay babagay talaga sa akin.

Hindi pa naman halatang buntis ako kaya ayos lang naman siguro magsuot ng medyo sexy pa. Hindi na makakaangal si D dahil hindi na ako magpapalit kapag inutusan niya ako ulit. I like this dress at once ko pa lang ito nagamit noon. Sayang naman kung nakatambak lang siya sa closet ko.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon