Chapter 43: Amazing

42.8K 1.3K 99
                                    

Chapter 43: Amazing

 

Hindi nga siya nagbibiro. Pagtingin ko sa backseat ay nandoon ang mga libro. Thriller katulad nga ng sabi niya. And buong akala ko ay nagbibiro lang siya sa thriller part! Is he insane?

Humalukipkip ako at humarap ako sakanya. He’s smiling. And para bang nag eexpect siyang matutuwa ako.  

“Ayaw kong makipag-usap.”

“What?” Bakas naman sa tono ng boses niya na nagulat siya sa sinabi ko.

“Sci-fi D! Sci-fi ang gusto ko! And you bought thriller and suspense and... ugh! Balak mo ba akong maging mas lalong matatakutin? Gees!” Maglalakad na sana ako paalis nang bigla niya akong hinarangan. He pinned me to his car! Great.

Agad akong napatingin sa paligid and thank God dahil walang tao. Dahil kung may tao, baka kanina ko pa siya hinampas ng sasakyan at mga hardbound na libro. Swear!

“D.”’

“Papapalitan ko yung mga libro.”

“D, hindi naman kasi yun.” Nginitian ko siya na dahilan kaya bahagyang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. He’s damn pissed.

“Then why are you pushing me away? “

“I’m not.”

“Yes you are.”

“D, uuwi na ako.”

“Edi ihahatid kita nang hindi ka makaiwas.” Damn persistent! “Doll, seryoso ako sayo. Gusto kitang makausap. Gusto kong mag-usap tayo.” Hindi pa rin niya tinatanggal ang mga kamay niya sa sasakyan kaya nanatili akong nakakulong lang. Ang lapit niya. Sobrang lapit niya saakin. At gusto ko na siyang tadyakan para makaalis na ako.

Umiwas ako ng tingin nang titigan niya ako. Bahagya niyang pinisil ang braso ko. And Shit! I’m just praying here that he won’t ever do that again.

“Natatakot ka ba saakin?” Napalunok ako nang tanungin niya ako. “Bakit ba hindi mo ako matignan? Nawiwirduhan ka na ba ng sobra saakin?” tumango ako dahil hindi ko alam kung paano siya sagutin.

“Ano bang gusto mong gawin ko?” Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang hindi ko namalayang nakakuyom ko ng kamay.

“Magpakatotoo ka lang.” I said.

He didn’t step back. He’s still holding my hand.

“Natatakot ka ba na baka masaktan kita?” Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung natatakot nga ako. “Bakit ba hindi ka nagsasalita? Alam mo bang mas kinakabahan ako pag hindi ka sumasagot?”

Nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita ang mga mata niya.

Si Pauline. Umuwi si Pauline para sakanya.

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni D, tumingin sakanya bago huminga nang malalim saka ako tuluyang nagsalita.

“Damian... Hindi ako natatakot na masaktan mas natatakot akong makasakit ng iba. Lalo na sa mga taong mas deserve ang pagmamahal mo kaysa saakin. The thing is, wala akong ginawa para pag aksayahan mo ng oras pero may taong inaaksaya nila ang oras nila para sayo.”

Itinulak ko siya ng bahagya at naglakad na.

“Jade hindi naman ako mag-aaksaya ng oras kung wala lang ‘to at para sabihin ko sayo, hindi pag-aaksaya ng oras ang ginagawa ko.” Tumigil ako at hinarap siya.

“Damian, sarili ko nga hindi ko maintindihan tapos dumagdag ka pa. Ang point ko ay, hindi kita maintindihan. Magulo ka.”

“Kasi hindi mo naman sinusubukan.” Humarap din siya saakin. Lumapit siya pero umatras ako.

“Kasi hindi ko naman alam kung anong tatakbo sa isip mo. Para kang yung mga sinusuot mong damit, e! Minsan nakakainis, minsan hindi. Alin ka ba kasi dun? Magmula noong bumalik ako dito, nawala na yung kilala kong Carding.”

“Pero nakilala mo ba talaga ako? Nung umalis ka, sigurado ka bang kilalang-kilala mo na ako? Kasi noong umalis ka, doon ko palang nakilala ang sarili ko.” Lumapit siya saakin and this time ay hindi na ako umatras. “Tandang-tanda ko pa noong tinanong mo ako kung ano ba talaga ang gusto ko... Pinag-isipan kong mabuti yun pero noong sasabihin ko na sayo, umalis ka na. Hindi ka na nagparamdam at ngayong bumalik ka, hindi ko na masabi sayo... kasi wala na. Hindi ko na nagawa ang gusto ko.”

“D...”

“Hindi ako suportado ng mga magulang ko tapos wala ka pa at noong nakilala ko si Pauline, akala ko may susuporta na saakin pero mali ako hindi rin niya ako naiintindihan idagdag mo pa na umalis din siya.” Ngumiti siya pero hindi ko ramdam ang pagngiti niyang iyon.

“But I’m good now. Okay din kasing maging teacher.”

“Bakit mo ba sinasabi ang mga ‘to sakin?”

Natawa siya ng bahagya dahil sa sinabi ko.

“Ang manhid mo talaga.” Nginitian niya ako but this time, naramdaman ko na. Nagulat din ako nang bigla niya akong niyakap. “JL, nararamdaman mo ba ang puso ko?”

Tumango ako.

“Kinakabahan ka.” I told him. Ang mga kamay ko ay awtomatikong niyakap din siya.

“Doll?”

“Hmm?” Pumikit ako at hinayaan ko lang na ganito kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito. Iba dapat ang kayakap niya at hindi ako pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

“I think I’m in love with you and JL it feels fucking amazing.”

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon