Chapter 4: I won't go chasing

93.4K 1.7K 142
                                    

Chapter 4: I won’t go chasing

 

Nagsisi akong nagpa-surprise quiz ako kanina dahil lahat yata sila ay bagsak. When I was a student, hindi naman ako ganito kalala. Almost three weeks na ako dito and as usual hindi naman kami masyadong nag-uusap ni Damian.

At sa inaraw-araw ng pagpasok ko dito para magtrabaho ay gustong-gusto ko na talaga sabunutan si Leonna. Hindi ko talaga siya feel! Like my god lang talaga! Hindi talaga siya maganda! I saw her bare face nung minsan na napaaga ako ng pasok and swear! Hindi talaga siya maganda. Yung mukha niya ay kasing kapal ng makeup na inilalagay niya araw-araw. Lagi rin niya akong tinitignan na para bang may ginawa akong masama. Siguro kung ipagpapatuloy niya pa iyong habit niyang pagtingin saakin baka nga may magawa na akong masama sakanya. The nerve.

Pero huwag nalang pala. Mag-aaksaya lang ako ng oras ko sakanya.

“Ms. JL” Tawag ni Mr. Garcia. Yung mabait na nagtuturo ng values. “May naghahanap sayo sa lobby. Kaibigan mo raw.” Napaisip ako kung may kaibigan ba ako sa lugar na ito. Wala naman akong kaibigan dito.

“Pero wala naman akong kaibigan na kilala dito.” Sagot ko nalang at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Talaga? Wala ka pa ring kaibigan dito?” Naiirita talaga ako sa boses niya. Mariin ko lamang na ipinikit ang mga mata ko. Compose yourself JL. She’s not worth your time.

Pero hindi kasi talaga makapagpigil. Nginitian ko nalang siya at sumagot ng maayos. “Kung katulad mo lang din naman kasi huwag nalang.” Tumayo na ako at sakto naman na paharang-harang si Damian sa dadaanan ko. Para kaming tanga na parang naglalaro ng patintero kaya naman inis akong tumingin sakanya. Agad naman siyang nagpunta nalang sa gilid para padaanin ako.

Good Lord! What’s wrong with them? Ang weird na nga ng atmosphere dito  sa faculty room, dumadagdag pa yung kulay ng damit nanaman ni Damian! Para naman siyang walking flag ngayon.

“Ang init ng ulo.” Narinig kong sabi pa niya pero hindi ko na pinansin. Kaysa naman maasar pa ako sa damit niya ngayon.

“Sino raw po yung kaibigan ko na naghihintay?” Tanong ko nalang kay Mr. Garcia.

“Hindi ko matandaan basta may dala siyang gitara.”

“Ah. Okay.” Bumalik nalang ako ulit sa table ko.

“Hindi mo kikitain ang bisita mo?” Sa likuran ko galing ang tanong kaya naman alam ko na kaagad na si Damian ang nagtanong. Humarap ako sakanya just to find out na nakatalikod lang din pala siya. This is not so him talaga. He won’t even look at me now. What’s wrong with him?

“I will but maybe later.”

“Hindi ba yun maiinis sa kahihintay?” How amusing. Hindi siya nauutal ngayon.

“Nah. He’ll wait for me.”

“He.” Diin niya.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon