Chapter 36:

137 4 3
                                    

Kiss 36:

(Zhi Shu's POV)

Kakatapos ko lang magroam upang icheck ang mga pasyente ko. Dumiretso na ako sa office ko, bago pa lang ako makapasok sa office ay may narinig na akong nag-uusap sa loob. Si Xiang Qin? Sino kausap niya?

Bumungad agad sa akin si Xiang Qin sa may pintuan ng office.

"Zhi Shu! Mabuti naandito ka na." Tumango lang ako sa kanya. "Natatandaan mo pa ba siya? Si Yanong. Yung bestfriend ko since middle school." Nag-hi sa akin si Yanong. Tumango lang ulit ako.

Tiningnan ko si Xiang Qin mula ulo hanggang paa hindi na siya nakapang-nurse na uniform.

"Tapos na ang duty mo?"

"Ahh. Oo. Hinihintay nga kita. Okay lang ba na mauna na akong umalis?" Tapos bigla siyang tumingin kay Yanong.

"Mapipigilan pa ba kita?"

"Hindi." Nakangiti niyang sabi tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "Alis na kami." Hinila na niya si Yanong at nagbabye rin sa akin.

"Ey... sandali-" Napakamot na lang ako sa ulo ko at inihiga ko ang sarili ko sa sofa. Kasunod nun ang pagkuha ng cellphone sa bulsa ko.

To: Xiang Qin 💕

Tawagan mo ako kapag pauwi ka na, para masundo kita. Enjoy.

Ibinalik ko na ulit ang cellphone ko sa bulsa ko. At ipinatong ang braso ko sa mata ko upang hindi masilaw ng ilaw at unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang pagod at antok sa maghapong ito dahil marami-rami rin ang pasyente ko nitong mga nakaraang araw. Narinig ko na bumukas ulit ang pinto ng office ko at may narinig din akong mga libro na bumagsak sa mini table malapit sa sofa kasabay nun ang paghila sa akin upang makatayo ako mula sa aking pagkakahiga saka siya umupo sa tabi ko. Isang tao lang naman ang makakaganito sa akin, iyon ay walang iba kundi si...

"Chuan Jin, ano na naman ang problema mo?" Nakahalumbaba kong tanong sa kanya.

"Tanda mo ba yung kinukwento ko sa'yong pasyente ko last month na hopeless case na..." Tuloy tuloy ang pagsasalita niya pero wala na akong maintindihan dahil na rin siguro sa sobrang pagod. "Tapos, last week sinugod siya rito sa hospital. Sumusuka na sya ng dugo. Ehh gusto nung mama niya kung pwede pa siyang gawan ng paraan through operation. Kaya ito, sa tingin mo ba- uyy!! Zhi Shu. Nakikinig ka ba?" Tinabig niya yung braso ko.

"Ikaw na ang nagsabi na hopeless case na diba?"

"Tss!"

"Patingin nga ako." Kinuha ko yung clipboard ng pasyente niya at binasa ko yung information. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at nagising bigla ang diwa ko.

(Jun Ya's POV)

Kakatapos lang ng photoshoot namin. Oo namin. Nakakainis kasi si Ah Nou. Dinamay na naman ako. Tsk! Kaya naman ay ito, dumiretso agad ako sa dressing room habang yung ibang mga models nag-uusap pa. Kinuha ko agad yung cellphone ko at tiningnan ko kung may messages mula kay Lin Xia. Pero wala pa rin. Ni hindi pa niya naseseen yung mga messages ko sa kanya. Ano na kaya ang nangyari sa babaeng yun?

"Ahm... excuse me... you're Angel right?" May isang lalaki ang lumapit sa akin. Kasali siya sa mga models ngayon. Kung titingnang mabuti magkasing height lang sila ni Ah Nou. Matangos ang ilong at brown eyes. Pang model talaga ang aura niya. Tiningnan ko siya ng pagtataka.

"Angel?" Inilahad niya sa akin yung isang magazine. At mula sa isang page ay naandun kami ni Ah Nou. Iyon yung photoshoot after kong magsign ng contract sa Rising Star Company. "Prince Nobu met an Angel." Yun ang naka-caption.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now