Chapter 27: Ayaw ko

217 7 2
                                    

Kiss 27:

(Jun Ya POV)
🎶We were strangers, starting out on a journey
Never dreaming, what we'd have to go through
Now here we are, I'm suddenly standing
At the beginning with you~

Isang familiar na kanta ang nagpagising sa akin kaya naman ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Una kong nasilayan ang maputing kisame at ang bukas na ilaw.

🎶No one told me I was going to find you
Unexpected, what you did to my heart
When I lost hope, you were there to remind me
This is the start~

Binaling ko ang sarili ko sa kanan ko at isang familiar na tao ang nakita ko na nakaupo sa may sofa habang hawak hawak niya ang cellphone niya, nakaearphone at kumakanta siya. Si Ah Nou?

🎶And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever, wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing
At the beginning with you🎶

Bigla kong naalala ang Papa ko. Ito palagi yung kinakanta namin kapag nagbobonding kami. Bakit niya kinakanta?

🎶We were strangers, on a crazy adventure
Never dreaming, how our dreams would come true
Now here we stand, unafraid of the future~

"At the beginning with you~" Nagulat ako dahil bigla niyang kinanta ang mga lyrics na iyon habang nakatingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata.

*dug-dug*

Wtf?! What was that?!

"Jun Ya! Gising ka na!" Biglang dumating si Ate Hao Mei na may dalang pagkain kasama si Kuya Yu Shu.

Hindi agad ako makapagsalita dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nagpalinga-linga ako. Nakita ko na may nakakabit na dextrose sa akin, ibig sabihin nasa hospital ako. Tinatanong nila kung ano ang problema sa akin dahil nakahawak na ako sa dibdib ko.

Sa totoo lang hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin dahil hindi naman masakit ang puso ko, kundi sobrang bilis lang nito. Maya maya pa ay dumating na si Kuya Zhi Shu.

"Jun Ya... anong nararamdaman mo?" Mahinahon niyang sabi.

"A-ang bilis ng puso ko." Hinihingal kong sabi.

Kinunan niya ako ng BP, chineck niya ang pulse rate ko at pinakinggan niya ang tibok ng puso.

"Nananakit ba ang dibdib mo?" Umiling lang ako. "Okay, relax ka lang." Hinawakan ni Kuya Zhi Shu ang mga kamay ko at tinulungan niya akong mag-inhale exhale.

"Kuya Zhi Shu... mamamatay na ba ako?" Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Jun Ya..." Hinawakan ako ni Kuya Zhi Shu sa pisngi ko. "Hindi ka mamamatay okay. Wala ka bang tiwala kay Kuya Zhi Shu mo?"

"Pero, sobrang bilis po ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, aatakihin na ako." Napangiti lang sa akin si Kuya Zhi Shu at tumingin kina Ate Hao Mei.

"Anong ginawa niyo?" Yun lang tinanong niya.

"Kuya, nagbili po kami ng pagkain ni Yu Shu, si Ah Nou po ang natira rito." Pagpapaliwanag ni Ate Hao Mei at tumingin silang lahat kay Ah Nou na para bang hinihintay nila na magsalita.

"Wa-wala akong ginagawa! K-kumakanta lang ako." Taranta niyang sabi habang kinakaway kaway ang kanyang mga kamay. "Jun Ya, kumanta lang naman ako diba?" Tapos tumingin siya sa akin. Napayuko na lang ako. Narinig ko nalang na napatawa si Kuya Zhi Shu at hinawakan ako sa ulo ko.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon