Chapter 32: Unexpected Event Place

191 7 0
                                    

Kiss 32

(Ah Nou's POV)

Three days left...

Three days na lang, bye bye allowance na ako. Hindi pwede ito! Kaya naman ay pumunta na ulit ako sa office ni Mr. President. Sinabi ko sa kanya na hindi ko pwedeng isacrifice ang allowance ko dahil lang sa hindi ko mapapirma si Jun Ya sa contract. Hindi pa naman sigurado kung totoong anak nga siya ni Mr. Ivan, hindi naman tama na gamitin siya para maging isa sa Star Company. Pinaliwanag ko na lahat kay Mr. President ang mga gusto kong sabihin.

"Are you done talking?" What? Sa dinami dami ng sinabi ko yun lang ang sasabihin niya. He clears his throat. "Here's the deal, kapag napapayag mo na siya, name your price. You can do whatever you want, you can have anything you want. Just make sure, she signed the contract."

Hindi na ako nakapagsalita kasi dumating si Starlet, may photoshoot kami ngayon. Tungkol sa teenage life ang theme. No choice na ako. Madali kong tinapos yung photoshoot at hindi na ako nakihalubilo pa sa kanila dahil alam ko na magiging absent-minded lang ako kakaisip kung ano na ang pwede kong gawin para mapapayag si Jun Ya.

Biglang nagpreno yung sasakyan namin. Agad naman nagsorry yung driver kasi may dumaan daw. Napatingin ako sa may bintana at may nakita ako na mga tao na nagkukumpulan. Maiingay sila at may mga suot sila na kakaibang damit. In short, mga nakacosplay sila. Pinakiusapan ko yung manager ko na kung pwede muna kaming bumaba kahit saglit lang, mabuti na lang at pumayag siya. Sinuot ko yung bonnet ko, facemask ko, at yung eyeglass ko pati na rin yung jacket ko na may hood. Naka-facemask din ang manager ko at nakasumbrero. Pinatigil namin yung sasakyan medyo malayo dun sa event place, saka lumabas na kami.

Maraming tao ang naandun kahit 7pm na. Naglakad lakad kami ng manager ko sa pinakang event place. May nagaganap pa lang competition about sa cosplayer kaya maraming tao. Yung ibang tao ay nanunuod sa mga naglalaban, yung iba naman ay busy sa pag-uuli sa buong lugar. Kasi bukod sa competition ng cosplayer ay marami ring mga mini stores. Hindi na kami nanuod nung laban at nag-uli na lang din kami ng manager ko. Actually, halos walang pumapansin sa amin kasi lahat sila ay busy at ang tingin nila sa bawat isa ay mga cosplayer. May nagtanong nga sa akin kung sinong anime ang ginagaya ko, kung si Shino raw ba ng Naruto. Yung outfit ko kasi ay balot na balot ako. Napapailing na lang ako sa kanila atleast walang nakakakilala sa akin dito at nakakapaglakad ako ng walang dumudumog sa akin.

Dirediretso pa rin kami sa pag-lalakad hanggang sa makarating kami sa isang mini store. Napatigil ako sa tapat nun dahil may isang familiar na bagay akong nakita. Isa itong kulay yellow na mukhang teddy bear na pusa na may pakpak na keychain.

Naalala ko bigla yung picture ni Jun Ya noong bata pa siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naalala ko bigla yung picture ni Jun Ya noong bata pa siya. Ganitong-ganito yung hawak niyang teddy bear sa picture.

"Ah. Chinese drama ba? Pasensya na. Anime lang kasi ang pinapanuod ko ehh."

Anime. Psh.

Inextend ko yung kamay ko para hawakan yung keychain pero biglang may isang kamay ang sumulpot.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now