Chapter 1: "Hindi ako buntis?"

1.5K 21 7
                                    

KISS 1

(Xiang Qin's POV)

Siguro, hindi niyo maaalis ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kakatapos lang akong i-examin ng doctor. At ito, kinakabahan ako sa magiging resulta. Ito na ang pinakahihintay ko sa lahat. Ang magbunga ang pagmamahalan namin ni Zhi Shu. Waaaahh! Kapag iniisip ko pa lang na magkakaanak na kami ni Zhi Shu. Sigurado akong magiging isa kaming, ONE BIG HAPPY FAMILY!

"Mama, mama, mama! Tingnan niyo po ginawan ko po kayo ng lucky charm. Sana magustuhan niyo po." Babatiin ako ng anak ko kakagaling sa school kasama si Mama.

 

"Wow. Ang sweet naman ng anak ko. Pa-kiss nga! Mwuah! Mama, salamat po sa pagsundo sa anak ko."

 

"Ano ka ba Xiang Qin? Gustong-gusto ko nga ito, ang saya maging lola. At isa pa, hindi ka pwedeng mapagod. Lalo na't kabuwanan mo na ulit."

 

"Nandito na ako."

 

"Papa!"  tatakbo ang anak ko kay Zhi Shu.

 

"Kamusta na ang anak ko?"

 

"Ayos lang po papa. Ginawan ko rin po kayo ng lucky charm."

 

"Ang galing naman ng anak ko." At siyempre lalapitan ako ng pinakamamahal kong asawa.

 

"Mahal ko. Kamusta ka naman. Mwuah! Kamusta ang baby natin?"

 

Eeeeehh! Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Eyy, pero, paano kapag katulad na naman ng dati, false alarm! Paano kapag hindi na naman ako buntis? Paano kapag hindi kami magkaroon ng anak ni Zhi Shu? Naku! Xiang Qin, nag iisip ka na naman ng kung anu-ano.

"Misis Jiang."

Ito na nga po tinawag na ako ng doctor. Lalo akong kinabahan.

"Misis, wag po sana kayong mabibigla. Subalit, hindi na naman po kayo buntis."

"Po?" Ito na naman ba? Isang pagkakamali na naman?  "Paano po nangyari iyon? Sigurado po ba kayo?" Hindi na naman ako buntis? Ano na naman ang sasabihin ko kina mama? Paano ko na naman haharapin si Zhi Shu na naghihintay sa labas? Bakit? Pakiramdam ko, tutulo na ang luha ko. Hindi ko alam kung matatanggap ko pa.

"Pasensya na Misis. According dito, wala ng posibilidad na mabuntis ka pa dahil malapit ka na sa menopausal age."

"Wala na po akong pag-asang mabuntis? Dahil malapit na akong ma-menopause?"

"Parang ganun na nga."

"Hah?!! Menopause?!!!" Napasigaw ako sa gulat. "Teka, Doc. Mukha na ba akong 45 years old para ma-menopause ng ganun kaaga?!"

"Aiyoo, teka, hindi ko suot salamin ko eh. Sandali, well, Misis Tiang right?"

"Tiang? Naku, hindi po. Jiang po. J-I-A-N-G."

"Wait lang, ito pala, Misis Xiang Qin Jiang?" tumango na lang ako. "Well, I would like to congratulate you. You were almost 6 weeks of being pregnant."

"Haayy salamat. Wait! Buntis po ako?"

"Absolutely."

"Waaahh! Talaga po?!" Niyakap ko ang doctor sa sobrang tuwa! Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang saya-saya ko! "Thank you Doc!"

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now