Chapter 22: Hindi kita papagurin

278 11 0
                                    

Kiss 22:

(Jun Ya's POV)
Ha-choo!

Bigla akong hinatsing pagkaupo na pagkaupo ko sa sofa sa bahay nila Lin Xia. Sinamahan ko na siya sa kanila baka kasi mapagalitan siya ng magulang niya. Naabutan naman namin na nanunuod lang ng tv ang mga magulang niya at binigyan niya ako ng isang basong juice.

"So, classmate ka ni Lin Xia?" Tanong ng Mama niya.

"Opo. Ako nga po pala si Zhang Jun Ya. Transferee lang po ako. Pasensya na po kung ginabi na po ng uwi si Lin Xia."

Bakit pakiramdam ko isa akong lalaki na umaakyat ng ligaw sa anak nila?

"Ikaw yung model na nasa magazine diba?" Tanong naman ng Papa niya.

"O-opo. Ako nga po, pero-"

"PA-AUTOGRAPH!!" Sabay na sabi nung dalawa na ikinagulat ko habang hawak hawak ang magazine. Tig-isa sila. Napatawa lang si Lin Xia.

"Po? Ah eh... h-hindi naman po ako model."

"Huh? Pero bakit nasa cover page ka ng Rising Star magazine? Kasama mo pa si Nobu!" Manghang sabi ng Mama ni Lin Xia.

"Alam mo ba na ang Star Company ang number 1 sa entertainment industry." Pagsang-ayon naman ng asawa nito.

"Sobrang hirap magkaroon ng contract sa kanila. It's either may backer ka o talagang isa kang professional model."

"Sino ang backer mo?" Tanong nila sa akin. Hindi agad ako nakaimik.

"Naku, hon, wala siyang backer dahil professional model siya. Tingnan mo nga yung picture niya oh. Iba yung dating. Perfect!"

Lalong hindi na ako nakaimik. Sa totoo lang mas nakakagulat ang sitwasyon kong ito kesa kanina. Naririnig kong nagtatalo sila tungkol sa Star Company. Napatingin na lang ako kay Lin Xia na nanunuod lang sa tv. At biglang bumulong sa akin.

"Huwag kang mag-alala. Ganyan talaga sila."

Kinuha ko yung baso at ininom ko yung juice. Anong klaseng pamilya ito? Ang weird!

"Kyaaaahhhh!!!"

Naibuga ko yung juice na iniinom ko dahil biglang sumigaw si Lin Xia. Huminto naman sa pag-aaway yung mag-asawa at tumingin din sa tv.

Music Video ni Nobu.

"Oh my! Ang gwapo talaga niya!!" Kilig na kilig si Lin Xia. Pati yung mag-asawa ay nakikikanta rin.

🎶Check Check Check me out
nàgè nàgè nàgè quándōu tīng wǒ Check Check Check Check Check me out
Na-Na-Na-Na-Naya-Na Check Check Check Check Check me out
Yeah-yeah-yeah-yeah Check Check Check Check Check me out🎶

Pinanuod ko na rin yung music video. Ngayon ko lang iyon napanuod ng buo dahil hindi talaga ako fan ng showbiz. Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi ang showbiz ay ang mundo na puro kasinungalingan. For example, palagi ka lang ngingiti, dapat palaging maganda ang image mo, dahil kung hindi puro bash ang matatanggap mo. It's complicated.

Pero ngayon, habang pinapanuod ko yung music video iba yung nararamdaman ko. Totoong gwapo siya at iba ang karisma niya. Kaya siguro maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. At hindi ko ipagkakaila na maganda rin ang boses niya.

"Ano? Namamangha ka na ba sa kanya?" Rinig kong bulong sa akin ni Lin Xia.

"Huh? Pssh. Hindi ah. Parang music video lang? Ano bang meron sa kanya?"

"Bukod sa pagiging gwapo niya. Yung dedikasyon niya sa buhay." Nakatutok pa rin ang attention niya sa tv habang nakikipag-usap sa akin.

"Alam mo bang bata palang si Nobu palagi na siyang nasa hospital kasi may komplikasyon siya sa puso. Buong buhay niya lumaki siya sa hospital. Sa totoo lang, isang himala ang nangyari sa buhay niya. Dahil sabi ng mga doctors wala ng pag-asa yung kondisyon niya. Nabuhay lang siya sa medications. Pero isang araw may isang bata rin ang nagkasakit at naging roommate niya. Naging magbestfriend sila kahit ilang araw lang sila na nagkasama sa hospital. At dahil sa batang iyon, nagkaroon siya ng dahilan upang ipagpatuloy pa ang kanyang buhay."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now