Chapter 44:

108 4 1
                                    

Kiss 44:

(Jun Ya POV)

Sandaling huminto ang paligid ko, humarang si Mama sa harapan ko at sinalag niya ang kutsilyo na dapat ay sa akin tatama. Napahinto rin yung lalaki sa nagawa niya at nabitawan niya yung kutsilyo na may dugo. Napaupo naman si Mama habang hawakhawak niya ang tagiliran niya na punung puno ng dugo kaya agad ko siyang inalalayan.

"Magaling, magaling, magaling." Dumating yung isang lalaki kasama ang iba pang mga kasamahan nila at nagslow clap siya patungo sa amin. Hinawakan niya ang baba ni Mama. "So, itatanggi mo pa rin ba na siya ang anak mo?" Nakangisi niyang sabi.

"A-ano ba kasi ang kailangan mo sa amin?" Tinabig ni Mama yung kamay nung lalaki.

"Isa lang naman ang gusto kong malaman, kung siya ba ang anak ni Ivan?" Pilit na tumayo si Mama kaya inalalayan ko siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi siya!!" Mahina na ang boses ni Mama pero rinig pa rin sa boses niya ang paninindigan niya.

"Talaga lang hah!" Hinila ako nung lalaki kaya naman ay napaupo ulit si Mama.

"Mama!!" Napasigaw ako ng bahagya.

"Tama ba yung narinig ko? Mama?"

"Itigil mo na yan!!" Pagpipigil ni Mama.

"Sabihin mo muna sa akin kung siya nga ang anak ni Ivan, kung hindi..." itinutok niya sa may leeg ko yung kutsilyo. "Hindi mo na tuluyang makikita ang anak mo."

Pilit pa rin na tumayo si Mama kahit na ang daming dugo na ang tumutulo mula sa sugat niya.

"Pakawalan mo yung bata! Ano ba ang kailangan mo kay Ivan? Matagal ng patay si Ivan!"

"Talagang nagmamatigas ka hah!" Nakita kong gigilitan na niya ako sa leeg kaya naman ay napapikit na ako.

"Sandali!!" Lahat kami na natigilan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos hinahabol ko na ang hininga ko sa sobrang takot. Lahat kami ay napatingin sa may pinto, nakita ko si Lin Xia, nagising na siya, na halos nanghihina habang inaalalayan siya ni Stacy. "Ako! Ako ang anak ni Ivan!"

Lahat kami ay nagulat, pati si Mama ay napatingin din kay Lin Xia. Ibinaba na naman nung lalaki yung kutsilyo niya at hinagis niya ako sa sahig. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi na ako makahinga kaya nilapitan na ako ni Mama at tinanong niya kung ayos lang ako. Tumango lang ako sa kanya tapos tinuro ko sila Lin Xia.

"Brave girl." Hinawakan niya si Lin Xia sa damit nito. "Kung ikaw ang anak ni Ivan, na saan ang kanyang will and testament!"

Nakita ko na tinitigan lang ni Lin Xia yung lalaki ng masama kaya sa inis nung lalaki ay naingat niya si Lin Xia tapos hinagis niya sa loob ng kwarto kung saan kami nakakulong kanina, pati si Stacy ay tumalsik din pagkatabig sa kanya nung lalaki. Kahit na nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ay pinilit ko pa ring tumayo habang inaalalayan din si Mama. Lumapit na yung lalaki kay Lin Xia at nakatutok na yung kutsilyo rito kaya naman napabitaw ako kay Mama, tumakbo na ako tapos sinipa ko ang pagkalalaki niya at agad siyang namilipit sa sakit.

"Aaarg! A-no pa hinihintay niyo! Ikulong niyo na ulit sila!!" Pag-uutos niya sa ibang tauhan niya kaya may isang humawak kay Mama tapos tinulak niya si Mama papasok sa loob ng kwartong iyon.

Nakita ko naman na pinagsusuntok ni Stacy yung isang lalaki na humahawak sa kanya at sa inis nito ay itinulak niya si Stacy sa sahig tapos kumuha ng isang pamalo at aktong hahampasin na niya si Stacy.

"Stacy!!" Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya at may isang mabigat na bagay ang tumama sa akin.

Hindi ko ramdam yung sakit, pero ewan ko, naririnig kong sinisigaw nila ang pangalan ko tapos unti-unting dumidilim na ang paningin ko.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now