Chapter 31: Ah Nou's Mission

212 9 2
                                    

Kiss 31

(Ah Nou's POV)
Isang linggo na lang month end na at hindi ko pa rin napapayag si Jun Ya na pumirma ng contract sa Rising Star Company. In fact, hindi na niya ako kinakausap at pinapansin! Sinubukan ko kasi siya na dalhin ulit sa company namin noong isang araw. Siyempre galit na galit pa rin siya, palagi niyang sinasabi na ayaw niya na maging assistant ko at kidnapping yung ginagawa ko.

Grabe lang! Alam niyo ba na siya lang ang bukod tangi na babae na ayaw na maging assistant ko samantalang pila ang mga kababaihan na gustong maging assistant ko tapos siya, ako na nga ang lumalapit sa kanya tinatanggihan pa niya. Wow hah! Tapos sasabihin niya na kidnapping ang ginagawa ko, kidnap ba yung tawag sa paanyaya at dadalhin sa isang big company. At ano naman ang worth niya para kidnapin ko siya.

Mga ilang sandali rin bago siya huminahon sa pagrereklamo niya, actually, kasama pa niya yung baliw niyang kaibigan na sinasabi na kami ni Jun Ya ang nakatadhana sa isa't-isa dahil sa guardian angels namin. Geez. 21st century na.

"Ano ba talaga ang gusto mo?" Finally, huminahon na siya.

"Nabalitaan ko na ikaw yung naghacked ng pictures namin ni Hao Mei." Napatingin siya kay Lin Xia.

"Sorry friend, secret lang ba dapat yun?" Takot na sabi ni Lin Xia tapos tumingin ulit siya sa akin.

"Oh. Eh ano naman kung ako nga ang naghacked nun."

"Well, gusto lang kitang pasalamatan. Nang dahil sa'yo niligtas mo ako. Maraming salamat. Bilang gantimpala, here's a contract for Rising Star Company." Inilapag ko sa mini table yung contract.

"Wait... tama ba yung narinig ko? Niligtas kita? Saan at kailan?" Hindi niya pinansin yung contract. Playing hard?

"Miss Zhang Jun Ya, alam ko naman na you're playing hard to get. You're into me, right?" Natulala yung friend niya at kumunot naman yung noo niya.

"Are you insane?! Me? Into You?! Gosh! Don't be so full of yourself."

"Why? Hindi ba kaya mo tinanggal at hinacked yung mga posts because you're jealous and you don't want me-"

"Wait! I'm jealous? Why would I?" Seryoso yung expression ng mukha niya.

"Then, why did you hacked that posts?" Tumigil siya ng sandali.

"Oh. Now I get it. You're saying that I'm into you just because I hacked that stupid posts. Well, you're wrong! Let me tell you the truth, I hacked it because of Ate Hao Mei. Ayaw kong pagpyestahan siya sa internet lalo na at wala siyang ginagawang masama. Understand?"

"Wala kang gusto sa akin?" Napatawa lang siya at tumayo.

"In your dreams." Tapos hinila na niya si Lin Xia papalabas ng office.

Naiwan ako dun na parang binuhusan ng malamig na tubig. Wala siyang gusto sa akin? So, it was just all my illusions? Simula nun hindi na niya ako pinapansin.

Ginulo ko yung buhok ko at pinatong ang ulo ko sa table. Ano na ang gagawin ko? Binalaan pa naman ako ni Mr. President na kapag hindi ko napapirma si Jun Ya ay i-cucut niya ang monthly allowance ko. Noooo! Hindi pwede yun! Huhuhuhu! Akala ko talaga ay madadalian lang ako na papirmahin siya since na may gusto siya sa akin. Pero yun naman pala ay wala siyang gusto sa akin. Ang hirap?! Waaahh! Inuntog-untog ko yung ulo ko sa table.

"Hoy Ah Nou.. baka masira yung table ko." Naandito ako ngayon sa bahay nila Yu Shu. Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Nakaupo naman si Yu Shu sa sofa niya habang naglalaro ng xbox.

"Pre, mas inaalala mo pa yung table mo kesa sa ulo ko?" Ipinatong ko nalang yung ulo ko sa table.

"Oo. Table ko yan since middle school. Mas matagal ko yang nakasama." Busy siya sa paglalaro pero nakukuha pa rin niya akong kausapin.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now