Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang

211 7 2
                                    

Kiss 24

(Jun Ya's POV)
Nasa rooftop kami ngayon ng school namin. Kasama ko pa rin si Lin Xia. Sa totoo lang, ayaw kong makipagkaibigan pero no choice na ako dahil kahit na pagsungitan ko siya ay lalo siyang dumidikit sa akin at hindi siya naalis sa tabi ko. Kaya ito, sabay kaming naglulunch ngayon. Actually, may baon siyang lunch tig-isa kami. Pinanggawa siya ng Mama niya ng lunch niya at since kilala na ako ng Mama niya ay pinanggawa rin ako.

Mabuti pa yung Mama niya, hindi ko pa ito nararanasan na ipanggawa rin ako ng Mama ko ng lunch.

"Masarap ba?" Tanong sa akin ni Lin Xia.

"Sobrang sarap!!" At nagthumbs up ako. "Pasabi kay Tita na salamat. Naabala pa tuloy siya."

"Naku! Huwag mong isipin si Mama. Yan ang forte niya."

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain. So, ganito pala ang may kaibigan. Simula pagkabata ako hindi ako nakikipagkaibigan dahil palaging nasa isip ko ay mamamatay rin naman ako, ano pa ang purpose ng pagkakaroon ng kaibigan?

"Oh! My! G!!" Biglang napasigaw si Lin Xia habang hawak-hawak niya ang cp niya.

"Let me guess? Info about Nobu?" Tumango lang siya.

"What?? Ang bestfriend niya ay babae?! No way! May gf na ang Prince Nobu ko!!" Iyak niyang sabi. Iniligpit ko na muna yung pinagkainan ko at lumapit ako sa kanya.

nobufanatics143: Princesses! I just bumped into @iamyourprincenobu awhile ago in our University and this what I caught! Ipinagbuhat niya ng bag ang girl na ito. Is she's our Prince bestfriend/girlfriend? Waaaahhh!! No wayyy!!

Tapos may nakalagay na picture na kung saan ay kitang kita kung paano kinuha ni Nobu yung bag dun sa babae. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla kong kinuha yung cellphone ni Lin Xia at zinoom-in ko yung picture.

Si Ate Hao Mei? Binasa ko yung ibang comments.

Jugero00: Sabi ng kapatid ko, kaklase raw nila si Nobu and since the first day of school magkasama na sila.

Poppuy: shet!!!! Is this true?!! I thought Startlet is his girlfriend!

Bkaeq: may girlfriend na si Prince Nobu??!! No!!!

Luckygirl: oh gosh! Baka siya yung bestfriend niya! So, it's trueee! His girlfriend!

Missymissy: f@ck!! Who's that girl!!!! She doesn't deserve our Prince Nobu!

"This is insane!" Napailing na lang ako.

"Jun Ya hindi ka rin ba makapaniwala na may gf na si Prince Nobu?! Grabe! This is savage! Breaking news! Kaya siguro gusto niyang mag-aral!" Oa niyang iyak. "She's messing with my Prince Nobu! I want to kill that girl!" Gigil niyang sabi. Bigla ko siyang sinamaan ng tingin.

"Purket kinuha lang ang bag, girlfriend na agad? Tsk! How pathetic!" Tumahimik siya bigla. Sinauli ko sa kanya yung cellphone niya. "Anong oras iyan pinost?"

"Huh? Ah eh... one hour ago na."

"May iba pa bang posts regarding diyan?"

"Wait.." Iniscroll niya yung newsfeeds. Biglang nanlaki yung mga mata niya. "Siya ba yung girl?"

Ipinakita niya sa akin yung picture.

Chungak0: Teh! Wala ka bang shower sa inyo? Bawal maligo rito sa school! 😂😂😂

At yung picture ay si Ate Hao Mei na basang basa. Binasa ko yung ibang comments.

Kissmenot: siya ba yung girl na kasama ni Prince Nobu? Anyare?

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now