Ikalabing-walong Kabanata

1.6K 31 8
                                    

FRANCEL'S POV

Gumising ako na parang ang gaan ng pakiramdam ko. Ewan ko kung bakit. Feeling ko lang eh aayon ang araw sa gusto ko.

*10 missed call*

Kanino naman kaya galing ang 10 missed calls na yan?

Nung tinignan ko, galing pala kay Gerald.

Ano kayang sasabihin niya at sampung beses pa niya ako sinubukang tawagan?

*10 messages received* 

Pagtingin ko, yung iba galing sa iba kong kaibigan, yung isa galing kay Gerald at yung isa,

galing kay Giann.

Binasa ko muna yung mga text ng kaibigan ko na halos puro GM lang naman.

Yung kay Gerald naman, 

'Siguro tulog ka na. Hindi mo sinasagot mga tawag ko eh. Sana maging okay na kayo ni Giann. Tsaka aalis na pala ako next week. Pupunta na ako sa States. Doon na ako mag-aaral. Mag-iingat ka palagi. Sana maging okay na rin ulit kayo ni Pat. Mamimiss kita.'

Aww. Aalis na pala si Gerald.

Sino kaya ang papalit sakanya?

Ang panhuli ko namang binasa eh yung text ni Giann.

'Good morning Francel. Ingat ka. Magkita nalang tayo sa set.'

Okay na ba kami ulit ni Giann?

NagPM siya sakin eh. Ang saya ko.

Aayon nga sana sa gusto ko ang araw na ito.

Pumasok ako sa set namin na may malaking ngiti sa mukha. Ewan ko ba. Ang saya ko.

"Good Morning po! Good Morning direk!"

Bati ko sakanila.

"MyGod Francel. What's good in the morning kung nagtanggal na si Gerald?"

Sabi ni direk sakin.

"Direk naman. Diba si Yaelle Velasquez ang papalit?"

Sabat ni Pat.

"Yeah. On the way na siya. Be ready na."

Suss. Di man lang marunong ngumiti ni direk. Pssh.

Lumapit ako sa co-stars ko.

"Hello!"

Bati ko ulit sakanila.

Yung iba ngumiti. Yung iba walang pake.

Yung ngumiti, si Giann. Yung walang pake, si Pat.

Hayy buhay. Nawala na talaga yung bestfriend kong si Pat.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon