Ikatatlongpu't-pitong Kabanata

311 9 0
                                    

“Dad, this is Kiel Giann Lopez. Giann for short. My boyfriend but not really my boyfriend since I’ll just officialy have my boyfriend when I reach 18.”

Pagpapakilala ko kay Giann kay Dad.

“Nice meeting you sir.”

Sabi ni Giann. Nagshake hands ang dalawa.

Eto na pala yung farewell party.

“This is Patricia Paz, Pat for short. My bestfriend.

“Hi sir.”

Sabi ni Pat. Nagshake hands din silang dalawa.

“And this is Yaelle Velasquez. Pat’s boyfriend.”

“Sir, hi.”

Medyo natatawang sabi ni Yaelle. Kasi parang binaliktad lang din niya yung sinabi ni Pat. Hahaha. Tsaka halatang naaawkward siya.

“Nice meeting you all. I’ll leave you so you can enjoy this party.”

Sabi naman ni Dad tsaka siya umalis.

“Sige Francel, Giann, we will give you your time.”

Sabi ni Pat. Nag-okay sign naman si Yaelle.

Ngumiti ako sakanila.

“Tara sa garden.”

Sabi ni Giann. Tumango naman ako.

Umupo kami sa may bench.

“Francel, aalis ka na ba talaga?”

Tanong ni Giann sakin.

“Oo eh. Sasama ko kay Daddy.”

Malungkot kong sagot.

“Hindi na ba talaga kita mapipigilan?”

Hinawakan ko ang kamay ni Giann.

“Giann, alam mo naman diba? Ngayon ko na naman lang ulit makaksama ang daddy ko.”

Pero sa totoo lang, pareho naman silang mahalaga sakin eh. Sadyang nangungulila ako sa ama kaya gusto kong sumama kay Daddy.

At alam kong maiintindihan naman ako ni Giann dito sa desisyon kong ito.

“Francel, paano na tayo?”

Tanong ni Giann.

Naisip ko na din yun. Kaya naman siguro namin ang long distance relationship diba?

May tiwala naman ako kay Giann. Alam kong hindi niya ako lolokohin dahil mahal niya ako. At ganun din ako.

“Babalik din naman ako eh.”

Hindi naman siguro ako forever nalang na nasa Germany.

“Hihintayin kita.”

Sabi ni Giann tsaka kami nagyakapan.

Mamimiss ko talaga siya.

Nagstay kami ni Giann sa may garden na tahimik lang. Nakasandal ako sa balikat niya habang magkahawak kamay kami.

Ang sarap din sa feeling pag ganito nalang. Super nakaka-comfort.

“Puntahan na natin sila?”

Biglang tanong ni Giann.

“Sige.”

Sagot ko naman.

Nilapitan namin sila Pat at Yaelle.

Nagulat ako sa biglang pagsalubong ni Pat sakin tsaka niya ako niyakap.

“Bes, aalis ka na.”

Naiiyak niyang sabi tsaka siya humiwalay sa yakap.

Naiyak nadin tuloy ako.

“Ano ka ba bes, babalik din ako. Wag kang mag-alala.”

Sabi ko.

“Payakap nga bes.”

Nagyakapan naman kami.

“Ano ba kayo guys, nandito tayo para magsaya at sulitin ang huling sandali nating magkakasama. Wag nga tayong mag-iyakan.”

Natatawa kong sabi.

At nilubos-lubos na nga namin ang gabi. Gabi na para sa amin.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon