Ikadalawangpu't-limang Kabanata

1.1K 18 6
                                    

FRANCEL’S POV

  

Malapit-lapit na matapos ang movie namin. Nasabihan na kami tungkol sa mga darating na sunod-sunod na interview, guesting at ang presscon. Maghanda na daw kami para doon.

Nasabi ko ba palang December 20 ipapalabas yung movie namin?

Hirap daw kasi kapag isasali namin ito kagad sa MMFF.

Dalawang araw nalang ang natitirang shooting day namin.

Uuwi na sana ko ng,

“Francel.”

Biglang lumapit sakin si Giann.

“Oh? Bakit?”

Kalmado kong tanong. Hirap magpigil ng kilig.

 

“Uuwi ka na?”

 

“Oo.”

 

“Hatid na kita.”

 

“Sige.”

Jusko. Ihahatid na naman niya ako. Buti sana kung sa bahay na NAMIN, doon na niya ako ihahatid. Hihi. Lumalandi na ako. Hahaha.

 

Dumeretso na kami sa kotse niya.

Habang nasa byahe kami, 

“Francel, ang saya ko.”

Sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin.

“Bakit naman?”

 

“Alam mo yung feeling na makita mo lang ang isang tao, malapitan, makausap masaya ka na?”

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Alam ko. Alam na alam ko ang feeling na yun. Yun ang nafefeel ko kay Giann.

Pero bakit bigla yata akong nasaktan dyan sa sinabi niya?

Hindi kaya may gusto siyang iba at hindi ako?

ARAY.

“Yiiieh. Inlove ka no?”

Tanong ko sakanya.

Ngumiti naman siya ng yung parang kinikilig. Namumula pa nga eh.

Ang hirap palang iasar ang taong gusto mo sa taong gusto niya na hindi ko naman kilala. Na ang sakit mang isipin pero HINDI ako.

“Uyyy. Namumula ka Giann. Inlove ka nga. Ayieeeh. Kanino naman?”

50-50 ang pag-asa kong marinig ang pangalan ko na sabihin niya na gusto niya.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon