Ikalabing-pitong Kabanata

1.7K 41 6
                                    

PAT'S POV

Inihatid lang naman ako ng boyfriend ko ngayon.

Hayy. 100 days. 99 nalang bukas. Matagal tagal pa bago kami magbreak.

  

Ano nalang kaya ang iisipin ni Giann? Na hindi ko siya mahal? Paano kung mahal din pala niya ako? Eh di nasaktan ko pa siya tuloy. Kung mag-away sila ni Gerald dahil sakin? Hindi ko naman makakayanan yun.

Mahal na mahal ko si Giann at gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya.

Pero mukhang nagkakamabutihan naman na sila ni Francel.

Baka naman pinapaselos lang ako ni Giann? Hihihi.

O ginagawa lang niya yun dahil sa sila ni Francel ang magkaloveteam. 

Pwede rin yun.

Ibig sabihin, may pag-asa pa ako.

Matutulog na sana ako nang magring ang phone ko.

*Gerald calling..*

Naku naman. Baka maggogoodnight lang. Boyfriend eh. Feel na feel naman niya. Hayy.

Masagot na nga lang.

"Ano?"

Tanong ko kagad sakanya. Hindi uso ang hello-hello sakin pagdating sakanya.

"Kalimutan mo na yung deal."

Biglang lumaki ang tenga ko sa narinig ko.

"Talaga? Ibig sabihin hindi na kita boyfriend?"

Tanong ko para sigurado.

"Oo."

Narinig kong napabuntong hininga siya.

"Maraming salamat talaga. Buti wala nang deal."

 

"Aalis na kasi ako."

 

"Saan punta mo?"

 

"Sa States. Dun na rin ako mag-aaral."

 

"Ha? Eh paano na yung Mara Clara?"

 

"Si Yaelle Velasquez yata ang papalit sakin."

 

"Ganun ba. Sige."

 

“Mamimiss kita.”

 

“Mamiss din kita.”

 

“Sige, matulog ka na. Good night.”

 

“Good night.”

*end call*

OHYESSSS!

Ang saya ko! Wala na yung pesteng deal na yan!

Hindi na rin si Gerald ang magiging loveteam ko. Pero bakit hindi nalang si Giann ang ipalit nila kay Gerald na loveteam ko para yung Yaelle na yun eh kay Francel nalang.

Maka-Twitter na nga lang.

Hayy. Ano ba yang DP ko. Yung kami ni Francel. Nung masaya pa kami. Nung palagi kaming nagdadamayan. Nung parang magkapatid na kami.

Nakakamiss.

Yung bestfriend ko na halos ayokong saktan ng iba, ako na mismo ang gumawa nun sakanya.

Nagkasala ako sa bestfriend ko dahil sa nararamdaman ko.

Nawala ang dati naming samahan dahil sa selfishness ko.

Pero mahal ko si Giann.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon