Ikalabing-isang Kabanata

1.8K 32 15
                                    

FRANCEL'S POV

Nawawala yung bracelet. Anong gagawin ko?  

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Ewan ko ba. 

Kasi galing kay Giann at importante yun.

Ha? Ano ba tong naiisip ko. Kay Gerald ako may gusto.

  

"Bes. Sorry. Hahanapin ko. Promise yan."

Sabi naman ni Pat na mangiyak iyak na din.

Triny naming hanapin sa pwedeng nahulugan nung bracelet. Pero WALA talaga. Nasaan na ba kasi yun?

Nakarating na kami sa academy na pagshoshooting'an namin ng hindi namin namamalayan ni Pat.

"Bes. Hanapin nalang natin mamaya. Pagkatapos ng taping."

Sabi ni Pat.

Tumango-tango naman lang ako.

Pagbaba namin ni Pat sa van, nagmadali ring bumaba si Giann at Gerald. Tsaka tumabi sakin si Giann, si Gerald naman kay Pat.

"Uyy Francel. May sore eyes ka?"

Tanong sakin ni Giann na parang nabibiro pa.

Wala ako sa mood. Paano ko sasabihin kay Giann. Mahal kasi yun eh kaya ko iniyakan.

"Wala."

Matamlay ko namang sagot.

"Eh bakit namumula yang mga mata mo?"

Tanong ulit sakin ni Giann.

"Umiyak ako."

Prangkang sagot ko sakanya.

"Bakit naman?"

Napansin kong medyo worried na ang boses ni Giann.

Anong sasabihin ko?

"Giann, magagalit ka ba kung sabihin kong .. "

Bigla akong napatigil. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa o kung hindi nalang.

"Kung sasabihin mong mahal mo ako, hindi ako magagalit. Iyun ba yun?"

Pagbibiro ulit ni Giann. Grabe. Iiyakan ko ba kung ganun? Loko loko talaga siya. Tss.

"Giann--"

Sasabihin ko na sana,

"Listen. We have one classroom turned dressing room here. Bilisan niyo na para maayusan na kayo at para makasimula na tayo."

Utos ni direk samin.

Nagtungo na kami sa classroom na sinabi ni direk. Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko sana kay Giann.

After naming maayusan, taping na kagad.

Ilang beses ding cinall ni direk ang attention ko dahil sa hindi ko daw nadedeliver ng maayos ang mga lines ko.

Ano ba kasi ang nangyayari sakin?

  

Bracelet lang yun Francel. Bracelet lang.

Nasa van lang yun. Mahahanap din yun.

Focus. Focus.

Bracelet lang yun na bigay ni Giann.

UWAAAAAAAAAAAAAH! 

Focus na nga eh.

Naka-act pa din naman ako ng maayos. Pero hindi kasing husay tulad nung hindi pa nawala yung bracelet.

Breaktime na. Hayy.

"Francel? Okay ka lang ba? Ano ba kasing nangyari?"

Tanong kagad sakin ni Giann.

Ano ba yan. Hindi ako makasagot.

"Kasi ano. Wag kang magagalit hah? Yung b-bracelet."

Napayuko na ako. Hayy. Tanga kasi Francel. Ang tanga mo.

"Pero nahulog lang yun sa van."

Mabilis kong dinagdag sa sinabi ko.

"So, nawawala yung bracelet ganun?"

Firm ang boses ni Giann. Lagot na.

Tumango nalang ako. 

"Paano ba yun nawala?"

Tanong sakin ni Giann.

Anong sasabihin ko?

"Eh kasi--" 

"FRANCEL!"

Tinawag ako ni Pat. Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.

Lumapit siya samin.

"Anong meron?"

Tanong pa niya.

"Yung bracelet kasi ni bigay ni Giann. Ikaw na magpaliwanag sakanya."

Sabi ko kay Pat.

"Ahh. Giann, ganito kasi yun. Hiniram ko yung bracelet ni Francel. Binalik ko tas habang sinusuot niya, biglang tumigil yung sasakyan kaya ayun, nahulog niya at hindi na namin alam kung nasaan. Grabe. Ang mahal pa naman nun."

ANO DAW?!

Hindi ganun yun!

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon